MODULE 5

Cards (74)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Araling Panlipunan
  • Ikalawang Markahan – Modyul 5
  • Ugnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
  • Manunulat: Juliet Bongabong Tuprio
  • Department of Education
  • National Capital Region
  • SCHOOLS DIVISION OFFICE
  • MARIKINA CITY
  • Ang modyul na ito ay gabay upang makatulong sa iyong pagtuklas ng mga kaalaman. Inaasahan na higit mong mauunawaan ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan.
  • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin):
  • 1.Ang Ugnayan ng Pamahalaan at Pamilihan
  • 2.Mga Paraan ng Pamahalaan sa pagkontrol ng presyo
  • Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na maiintindihan mo ang pamantayansa pagkatuto:
  • 1. napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan;
  • 1.1 nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan;
  • 1.2 naigagalang ang pangangasiwa ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba't ibang estruktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
  • Paunang Pagtataya.
  • Tukuyin ang wastong salita/ mga salitang inilalarawan sa mga sumusunod na bilang.
  • 1.Isang uri ng pamilihan na iisa ang prodyuser na nagtitinda ng isang uri ng produkto at serbisyo.
    Monopolyo
  • 2. Tumutukoy sa isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo, nagkakasundo sa presyo at may bilihang nagaganap.
    Pamilihan
  • 3. Ito ay may maliit na bilang o iilang mga prodyuser na nagtitinda ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto.
    Oligopolyo
  • 4. Ang estruktura ng pamilihan kung saan ang sinumang negosyante ay malayang pumasok at maging bahagi ng industriya.
    Ganap na Kompetisyon
  • 5. Ito ay tumatayong halaga ng produkto na nakabatay sa halaga ng salapi.

    Presyo
  • Ano-ano ang mga salitang nabuo mula sa mga larawan?
  • Ano ang iyong paunang nalalaman ukol sa mga salitang ito?
  • Sa iyong palagay, may kaugnayan ba ang mga salitang ito sa isa't isa? Paano?
  • Ayon kay Mankiw, bagama't ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o market failure.
  • Sa pagkakataong ito, kinakailangan makialam o manghimasok ang pamahalaan sa takbo ng pamilihan.
  • Ang Pilipinas, tulad ng iba pang bansa ay hindi nakakaiwas na mapasailalim ang pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan.
  • Maliban sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
  • Ang Pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Mula sa Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
  • Sa Pilipinas, mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagpapasigla ng kalakalan at negosyo ngunit mas mabigat ang tungkulin ng pamahalaan.
  • Ang tungkulin na mabigyan ng kaunlaran, kapanatagan at katiwasayan ang bansa at mga mamamayan nito ay kabilang sa mahalagang tungkulin nito.
  • Ipinatutupad upang mapatatag ang presyo sa pamilihan at maiwasan ang mataas na implasyon.
  • Price Ceiling
    Kilala bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto
  • Suggested Retail Price (SRP)

    Ang mga produkto na kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ay mahigpit na binabantayan at minamarkahan ng pamahalaan
  • Price Freeze
    Pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan na mahigpit na ipinapatupad ng pamahalaan sa panahong nakakaranas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa
  • Equilibrium price
    Ang presyong ito ay maaaring mataas sa tingin ng mga konsyumer