MODULE 3

Cards (59)

  • Implasyon
    Patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto sa pamilihan
  • Implasyon ay hindi bago, nangyari na rin noong Panahong Midyebal sa Europe at sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng Hapon
  • Hyperinflation
    Presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo
  • Uri ng Implasyon
    • Demand Pull
    • Cost-Push
    • Structural
  • Demand Pull Inflation
    Nagaganap kung mas mataas ang demand ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply na nasa pamilihan
  • Labis na salapi sa sirkulasyon
    Sanhi ng pagtaas ng demand
  • Pagtaas ng demand
    Pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay tataas na siyang sanhi ng implasyon
  • Cost-Push Inflation
    Sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon
  • Halimbawa ng Cost-Push Inflation
    • Paghingi ng mataas na sahod ng manggagawa
    • Pagtaas ng presyo ng hilaw na materyales
    • Pagmahal ng produktong langis
  • Structural Inflation
    Pinagmumulan ng implasyon ay ang kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na maiayon ang anumang pagbabago sa lebel at dami ng kabuoang demand ng ekonomiya
  • Ang bawat kilos at gawi ng mga sektor ng ekonomiya ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
  • Consumer Price Index (CPI)

    Panukat ng average na pagbabago ng presyo ng mga produkto na pangkaraniwang kinokonsumo ng mga mamimili
  • Basket of Goods
    Mga produktong kadalasang kinokonsumo at kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan
  • Pagkompyut ng CPI
    1. Pagkuha ng Tinimbang na Presyo
    2. Pag-alam sa Kabuoang Tinimbang na Presyo
    3. Pag-compute ng CPI
  • CPI 2001 = 100% (ang base year sa CPI ay laging nasa 100%)
  • CPI 2002 = 120.93% (ang total ng CPI ay hindi na kailangang i-round off)
  • Market basket
    Ginagamit upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer
  • Pagkompyut ng CPI (tunghayan ang haypotetikal na datos)
    1. Pagkuha ng Tinimbang na Presyo (Timbang x Presyo)
    2. Pag-alam sa Kabuoang Tinimbang na Presyo (KTP)
    3. Compute CPI (KTP2002 / KTP2001 x 100)
  • Haypotetikal na Datos
    • Bigas
    • Asukal
    • Mantika
    • Manok
    • Baboy
  • Kabuoang Tinimbang na Presyo (KTP) 2001 = 1,457
  • Kabuoang Tinimbang na Presyo (KTP) 2002 = 1,762
  • Consumer Price Index (CPI) 2001 = 100%
  • Consumer Price Index (CPI) 2002 = 120.93%
  • Purchasing Power of Peso (PPP)

    Ang kakayahan ng piso na makabili ng produkto at serbisyo
  • Kapag ang CPI ay patuloy na tumataas, ang kakayahan na makabili ng piso ay bumababa
  • Pagkompyut ng Antas ng Implasyon o Deplasyon
    Inflation Rate = (CPI2002 - CPI2001) / CPI2001 x 100
  • Kapag ang pagtaas ay positibo, ito ay implasyon, kapag negatibo, ito ay deplasyon
  • Batay sa haypotetikal na datos, ang inflation rate sa taong 2002 ay 20.93%
  • Purchasing Power of Peso/Purchasing Power Parity (PPP)

    Ang tunay na halaga ng piso, kung ito ay ihahambing sa isang basehang taon
  • Kapag ang CPI ay mataas, ang PPP ay mababa, nagpapakita ng paghina o pagbaba ng kakayahang makabili ng piso
  • Dahilan ng Implasyon
    • Labis na salapi sa sirkulasyon
    • Mataas na gastos sa produksiyon
    • Export orientation
    • Import dependent
    • Monopolyo/Kartel
    • Badget sa pambayad utang
    • Middleman
    • Gastos Militar
  • Mga nakikinabang sa implasyon
    • Mga mangungutang
    • Mga speculator
    • Mga negosyante
  • Mga nalulugi sa implasyon
    • Mga nagpapautang
    • Mga taong may tiyak na kita
    • Mga taong nag-iimpok
  • Ang implasyon ay tanda lamang ng pag-unlad ng produksiyon at ekonomiya, na humihikayat sa mga negosyante na pagbutihin at pataasin ang produksiyon
  • Malaking bahagdan ng ating mamamayan ang mawawalan ng kakayahan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan sanhi ng mataas na presyo
  • Pagtugon sa Implasyon
    • Tight money policy
    • Pataasin ang produksiyon
    • Bigyang prayoridad ang lokal na pamilihan
    • Linangin ang lokal na pinagkukunan
    • Sugpuin at parusahan ang monopolyo/kartel
    • Paglalaan ng maliit na bahagi ng badget sa pambayad utang
    • Pagtatakda ng Price Control
  • Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na patuloy na nararanasan ng bansa
  • Ang paglutas o pagbawas ng implasyon ay gampanin ng bawat isa sa atin
  • Mga Bilihin
    • Bigas
    • Mantika
    • Sayote
    • Bangus
    • Karne (Baka)
  • Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya