Paraan ng paghahanda ng badyet
1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya
2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder
3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM
4. Pag-aaralan ng DBM ang mga mungkahing badyet at maghahain ng kaukulang rekomendasyon
5. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang executive review board
6. Bubuuin ng DBM ang National Expenditure Program (NEP) bilang panukalang pambansang badyet
7. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin
8. Titipunin ng DBP ang mga dokumentong bubuo sa President's Budget, kabilang na rito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang aprubahan bilang isang ganap na batas