Kapag matamlay o bagsak ang ekonomiya dulot ng "recession", layunin nito na papataasin ang "money supply" upang maisakatuparan ito, kinakailangang mahikayat ang mga negosyante na magbukas ng mga negosyo upang tumaas ang produksyon, magkaroon ng mataas na empleyo at kita. Kapag may kita, may salaping gagastahin, kaya may demand. Ang ganitong kalagayan ay magbibigay daan patungo sa masiglang ekonomiya.