Higit na mabilis ang pagdami ng populasyon sa umuunlad na bansa kaysa mauunlad na bansa. Ang bilis ng pagdami ng populasyon sa umuunlad na bansa ay 2.5 bahagdan at sa maunlad na bansa ay isang bahagdan lamang. Sa mataas na bahagdan ng ipinanganak sa umuunlad na bansa, halos kalahati ng populasyon o 50 bahagdan ay mababa sa 15 taong gulang. Sa maunlad na bansa, 25 bahagdan lamang ng populasyon ang mababa sa 15 taong gulang. Nangangahulugan ito na sa umuunlad na bansa, tumutulong ang lakas-paggawa sa kalahati o 50 bahagdan ng populasyon. Ngunit sa maunlad na bansa, halos 25 bahagdan lamang ang umaasa sa lakas-paggawa