MODULE 4

Cards (33)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • Araling Panlipunan
  • Ikaapat na Markahan- Module 4
  • Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Agrikultura, Pangingisda, at Paggugubat
  • Manunulat: Roy S. Domingo
  • Department of Education
  • National Capital Region
  • SCHOOLS DIVISION OFFICE
  • MARIKINA CITY
  • Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang umangkop sa kakayahan mo. Ito ay binuo upang matulungan kang malaman at masuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya ng bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iba't ibang sitwasyon sa pag-aaral.
  • Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya ng bansa
  • Nalalaman ang mga suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya ng bansa
  • Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya ng bansa
  • Agrikultura
    Isang agham kung saan nililinang, nagpaparami at nangangalaga ng mga halaman at hayop upang makalikha ng pagkain, damit, at iba pang produkto para sa iba't ibang pangangailangan ng tao
  • Mga sektor ng agrikultura
    • Paghahalaman
    • Paghahayupan
    • Pangisdaan
    • Paggugubat
  • Kahalagahan ng agrikultura
    • Pangunahing pinagkukunan ng pagkain
    • Nagbibigay ng trabaho
    • Napagkukunan ng hilaw na materyales para sa industriya
    • Nakatutulong sa pangangalaga ng likas na yaman at kapaligiran
    • Nakatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
  • Ang sektor ng Agrikultura ay kumaharap sa samu't saring suliranin na nagiging hadlang upang maisulong ang pagtaas at pagpapanatili ng produksyon nito
  • Pagsasaka
    1. Pagliit ng Lupaing Pansakahan
    2. Malawakang Pagpapalit-gamit ng Lupa (Land Conversion) mula sa agrikultura patungong residensyal, libangan at iba pa
    3. Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa
  • Pagsasaka
    1. Kakulangan sa pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
    2. Kakulangan ng paggamit ng teknolohiya upang maitaas ang produksyon, at maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
  • Pangingisda
    1. Mapanirang paraan at operasyon sa pangingisda
    2. Epekto ng polusyon sa pangingisda
  • Paggugubat
    Mabilis na pagkaubos ng yaman-kagubatan
  • Pagdagsa ng dayuhan kalakal
    • Pagkalugi ng mga magsasaka dahil sa mas murang produkto mula sa ibang bansa
    • Paghinto o pagtigil sa pagsasaka ng mga maliliit na magsasaka dahil hindi makasabay sa pagdagsa ng mga produktong agrikultura mula sa ibang bansa
  • Climate change
    Pagkasira ng mga pananim dahil sa malalakas na bagyo, pagbaha, tagtuyot, at iba pa
  • Problema sa Kapital
    • Pagkabaon ng mga magsasaka sa utang
    • Napipilitang ipagbili ang mga lupain sakahan
  • Lumalaking populasyon ng bansa
    • Kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan
    • Mabilis na nauubos ang likas yaman ng bansa
    • Hindi nagiging sapat ang huli at ani kaya't tumataas ang presyo ng mga ito
  • Mga suliranin ng Sektor ng Agrikultura
    • Pagbaba ng nahuhuling isda at lamang dagat
    • Paglaganap ng Red Tide
  • Mga hindi tama: kakulangan o di dapat na kaalaman ukol sa programa ng pamahalaan ukol sa Family Planning
    • Kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan
    • Mabilis na nauubos ang likas yaman ng bansa
    • Hindi nagiging sapat ang huli at ani kaya't tumataas ang presyo ng mga ito
  • Mga dahilan ng mabilis na pagkaubos ng yaman-kagubatan
    • Illegal logging
    • Indiscriminate Logging - walang pinipiling puno na puputulin - maliit man o malaki
    • Pagkakaingin
    • Pagmimina sa kabundukan na sumisira sa katatagan ng lupa na nagdudulot ng landslide at iba pa
  • Mga epekto ng mabilis na pagkaubos ng yaman-kagubatan
    • Nababawasan ang suplay ng hilaw na materyales
    • Pagkasira ng tirahan ng mga hayop
    • Pagbaha
    • Pagbaba ng suplay ng tubig
    • Pagguho ng lupa at pagkawala ng sustansya nito
  • Mga suliranin ng Sektor ng Pagsasaka
    • Pagliit ng lupaing pansakahan - dahil sa malawakang pagpapalit-gamit ng lupa (Land Conversion)
    • Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa - Malawakang pagmamay-ari ng lupain mula sa pagsasangla o pagbebenta dahil na rin sa kakulangan ng suporta sa gastos ng pagsasaka
    • Kakulangan sa pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
    • Kakulangan ng paggamit ng teknolohiya upang maitaas ang produksyon, at maliit na pondong laan para sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
    • Pagdagsa ng dayuhan kalakal
    • Climate Change na nagdudulot ng malawakang pagbaha, tagtuyot at malalakas na bagyo
    • Problema sa kapital - kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor; gayundin sa kakulangan o di dapat na kaalaman ng mga magsasaka ukol sa programa ng pamahalaan sa pautang
  • Mga suliranin ng Sektor ng Pangingisda
    • Mapanirang operasyon sa pangingisda- maling paraan ng pangingisda ng malalaki at maliliit na mangingisda tulad ng bottom trawling fishing, cyanide fishing, at dynamite fishing
    • Masamang epekto ng polusyon sa pangingisda tulad ng pagkalason at pagbaba ng huling isda at lamang dagat
    • Lumalaking populasyon ng bansa
  • Mga suliranin ng Sektor ng Paggugubat
    • Mabilis na pagkaubos ng yaman-kagubatan dahil sa malawakang illegal logging at kaingin