Ang mga kaalamang ito ay inaasahang magiging gabay upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng sektor na ito sa pagkakaroon ng isang maunlad na ekonomiya ng bansa
Tatalakayin din sa modyul na ito ang naging kalagayan ng mga sektor ng industriya at paglilingkod sa panahon ng pandemya at ang naging pagtugon ng pamahalaan para sa muli nitong pagbangon
Malaki ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya sa paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ng tao ang kanyang mga pangangailangan sa araw-araw
Layunin ng sektor ng industriya na maiproseso ang mga hilaw na materyales na karaniwang nagmumula sa sektor ng agrikultura upang higit na mapakinabangan o magamit ng mga tao
Ang sektor ng industriya ay nagpapasok din ng dolyar sa ating bansa, ang tinatayang kita sa pagluluwas ng mga produkto noong 2019 ay umabot sa $6.16 bilyong dolyar
Naging malaking hamon sa pamahalaan ang pagkakaroon ng pandemya dulot ng Covid-19, dahil sa pagsasara ng maraming negosyo ay naapektuhan ang sektor ng industriya at paglilingkod
May 106,200 manggagawang Pilipino mula sa iba't ibang bansa ang bumalik ng bansa at tinulungang makauwi ng pamahalaan sa kani-kanilang probinsya sa kasagsagan ng pandemya
Nagkaloob ang DSWD ng halagang P5,000-P8,000 bilang bahagi ng social amelioration program o SAP sa loob ng dalawang buwan sa mga pamilyang kabilang sa mga lubos na naapektuhan ng pagpapatupad ng quarantine
Bayanihan to Recover as One Act (BARO) o RA 11494 ay nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa Pangulo na italaga ang pondo ng gobyerno para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa
Covid-19 Assistance to Restart Enterprises o CARES ay programa ng pamahalaan na naglalaan ng P10-bilyon pondo para sa pagpapautang sa mga micro, small and medium enterprises (MSME) na walang interes upang muling ibangon ang kanilang mga negosyo sa panahon ng pandemya
Inter-Agency Task Force ay binuo ng pamahalaan alinsunod sa Artikulo II, Seksyon 15 ng Saligang Batas na naatasang magsagawa ng pagsusuri, pagsubaybay, at magbigay ng rekomendasyon sa pamahalaan upang makontrol at maiwasan ang paglaganap ng Covid-19
Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ay programa ng DTI na naglalayong tulungan ang mga kompanya na bumango sa pamamagitan ng pagbabawas sa singil sa buwis ng kita nito at pagbibigay insentibo sa mga exporters
Sa kabila ng pagtaas ng kaso at pagkakaroon ng bagong variant ng Covid-19 unti-unti ng pinatutupad ng pamahalaan ang mas maluwag na quarantine sa iba't ibang bahagi ng bansa para muling maging aktibo ang ating ekonomiya
Marami pa ring nangangamba sa maaaring maging epekto nito kasabay ng pangambang ito ang katanungang ano nga ba ang mas mahalaga kaunlaran ba o kaligtasan?