MODULE 7

Cards (33)

  • Matapos ang aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na: nabibigyang halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong dito; natatalakay ang kahalagahan ng impormal na sektor sa ekonomiya.
  • Ngayong panahon ng pandemya, lahat halos ng tao ay apektado hindi lamang sa usaping pang kalusugan lalong higit ang aspetong pang ekonomiya. Marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga malalaking kumpanya at establisimyento.
  • Maliit na negosyo
    • Magtinda ng halo-halo at palamig sa tapat ng bahay
    • Magpaparenta ng computer at murang pa print
    • Magtinda ng lutong ulam at meryenda
    • Mag-online selling ng mga damit, sapatos, beauty products at iba pa
  • Ang modyul na ito ay laan upang magsilbing gabay na makatutulong sa iyong pag-unawa sa konsepto at pagtuklas ng mga kaalaman ukol sa Impormal na sektor.
  • Bakit ito ang iyong napili?
  • Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa iyong pamilya sa pangmatagalang panahon?
  • Magiging matagumpay kaya at uunlad ang buhay mo sa ganitong negosyo?
  • Sektor ng Paglilingkod
    • pananalapi
    • kalakalan
    • paglilingkod pampubliko
    • paglilingkod pampribado
    • transportasyon at komunikasyon
  • Pananalapi
    Paglilingkod na binibigay ng iba't ibang institusyong pinansyal tulad ng mga bangko, remittance agency, bahay-sanglaan foreign exchange dealers at iba pa
  • Kalakalan
    Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba't ibang produkto at paglilingkod
  • Paglilingkod pampubliko
    Lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan
  • Paglilingkod pampribado
    Nagmula ang paglilingkod na ito sa pribadong sektor
  • Transportasyon at komunikasyon
    Binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng pampublikong sakayan at paglilingkod sa telepono
  • Madalas ka bang bumili o tumangkilik sa mga nagtitinda o mga naglilingkod na hindi rehistrado o legal?
  • Kung ikaw ay magkakaroon ng negosyo alin sa mga nakapaloob sa kahon ang iyong pipiliin? Bakit?
  • Sa iyong palagay, mahalaga ba talaga na iparehistro ang negosyo tulad ng pagtitinda ng produkto o di kaya mga nagbibigay serbisyo? Bigyang paliwanag.
  • Impormal na sektor

    Salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pang-ekonomiya. Maari ring maibilang sa impormal na sektor ang mga gawaing nasa labas ng pormal na industriya o itinakda ng batas.
  • Ang mga kita mula sa impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuoang Gross Domestic Product o GDP dahil HINDI ito nakatala.
  • Tinatayang 30% ng kita ay nagmumula sa impormal na sektor. Kilala rin ito sa tawag na Underground Economy, Invisible Economy at Hidden Economy.
  • Mga Anyo ng Impormal na Sektor
    • Hindi nakarehistro sa pamahalaan – walang permiso at dokumento gaya ng business permit, rehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR)
    • Hindi nakatala – legal na negosyo ngunit hindi tapat na nagbabayad ng buwis dahil hindi nagdedeklara ng kita
    • Ilegal – mga gawaing ipinagbabawal ng batas
  • Dahilan ng Impormal na Sektor

    • Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan
    • Pansamantalang makatugon sa pangangailangan
    • Malabanan ang matinding kahirapan
    • Makaligtas sa pagbabayad ng buwis
    • Makaiwas sa komplikado at mahabang ng proseso ng transaksyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape)
    • Kawalan ng malinaw na pamantayan o regulasyon mula sa gobyerno kung saan ang mga batas at programa ay hindi maayos na naipatutupad
  • Kahalagahan ng Impormal na Sektor

    • Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya
    • Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na makapag-hanapbuhay
    • Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan
    • Malaki ang naiututulong sa mga konsyumer ang mga kalakal at mga serbisyong mula sa impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga
  • Mga Anyo ng Impormal na Sektor
    • IMP
    • P
    • IMP
    • IMP
    • P
    • P
    • IMP
    • IMP
  • Mga gawain o hanapbuhay mula sa impormal na sektor
    • Pagkopya at pagbenta ng mga pelikula na nasa cd at vcd ng walang pahintulot
    • Pagbebenta ng iba't ibang produkto sa facebook at iba pang social networking sites
    • Pagtaya sa online sabong o pagsusugal
    • Pamamasada ng isang jeep na walang prangkisa o franchise
    • Pagbebenta ng goto at lugaw sa tapat ng bahay tuwing umaga
  • Mga gawain o hanapbuhay mula sa pormal na sektor
    • Pagbibigay ng resibo ng mga grocery stores sa bawat customer na bumili ng kanilang produktong paninda
    • Pagdedeklara ng taunang kita ng isang maliit na negosyo sa BIR
    • Pagkuha ng business permit at pagpaparehistro ng sari-sari store sa DTI o Department of Trade and Industry
    • Pagpaparehistro sa Grab ng nabiling kotse upang pagkakitaan
    • Pagpapatupad ng mga kumpanya ng tinatawag na "quality control" bilang proteksyon sa depektibong produkto o serbisyo
  • Impormal na sektor
    Bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa pagpapatakbo ng negosyo
  • Lahat ng negosyong kabilang sa impormal na sektor ay hindi nagbabayad ng buwis
  • Lahat ng mga gawaing kabilang sa impormal na sektor ay maituturing na labag sa batas
  • Ang impormal na sektor ay nagaganap lamang sa Pilipinas
  • Tumataas ang nalilikom na buwis ng pamahalaan dahil sa impormal na sektor
  • Ang kita mula sa impormal na sektor ay kabilang sa Gross National Product (GNP)
  • Ngayong panahon ng pandemya, maraming maaring maging pagkakitaan ang mga tao sa malinis at legal na paraan, kinakailangan lamang ng tao ang pananalig at panatilihing may takot sa Diyos, may positibong pananaw at huwag mawawalan ng pag-asa upang maitaguyod at maitawid ang pamilya sa pang-araw-araw na mga pangangailangan
  • Maaring magsimula ng maliit na negosyo tulad ng pagbenta ng lutong ulam sa tapat ng bahay o mag online selling at upang ito ay magtagal, at lumago, kumuha ng business permit, iparehistro magbayad ng buwis sa ating pamahalaang lungsod para hindi ito maipasara