MODULE 1

Cards (88)

  • City of Good Character
  • DISCIPLINEGOOD TASTEEXCELLENCE
  • May-akda: Sarah M. Flores, Eduardo S. Lopez
  • Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan
  • Department of Education, National Capital Region, SCHOOLS DIVISION OFFICE, MARIKINA CITY
  • Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Karapatang Pantao at Kaakibat na Tungkulin
  • Walang ibang pinakamasarap sa ibabaw ng mundo kundi ang mabuhay nang mapayapa at maligaya. Pero paano kung isang araw ang buhay na tinatamasa mo ay mawala? Sa araling ito bibigyan natin ng mas malalim na kahulugan ang salitang karapatan. Iisa-isahin natin ang mga bawat karapatan ng tao at kung paano pahahalagahan ito.
  • Pagkatapos ng modyul ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay makakakuha ng 75% mula sa pampagkatuto na:
  • Mga inaasahan na matututunan ng mga mag-aaral
    • Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
    • Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa
  • Happy face 😊

    Nagpapahayag na karapatan at tungkulin
  • Sad face ☹

    Hindi nagpapahayag na karapatan at tungkulin
  • Obligasyon at tungkulin ng mga magulang na buhayin,pangalagaan at pag-aralin lalo na kung ang kanilang anak ay musmos pa lamang.
  • Ang pag-aasawa ay pagpapakita ng mabuting pagbabahagi ng pag-ibig sa taong nais mong ibigin.
  • Ang taong naghahanapbuhay ng disente at sumusunod sa batas at ordinansa ay may pagtugon sa kanyang karapatang mabuhay.
  • Ang mga bagay na pangangailangan ng tao ay nararapat sa bawat nilalang na matatawag na Karapatan.
  • Ang pagpunta sa ibang lugar ay isang karapatan.
  • Ang anumang bagay na hingin ng anak sa magulang ay dapat ibigay sapagkat ito ay Karapatan.
  • Ang edukasyon ay para sa lahat.
  • Ang paggamit o pagsuot ng anumang bagay na hindi sa iyo at walang pagpapaalam sa mga kapatid ay naipapakita ang pagiging malapit sa isa't isa.
  • Ang mabuting mamamayan ay may mabuting pagsunod, respeto, mapag-unawa at nagbibigay ng mabuting suhestiyon o opinyon sa kaniyang kapuwa.
  • Pagsunod sa mga batas at mga ordinansa na pinatutupad ng pamayanan at bansa ay buong kabutihang sinusunod upang ang kaligtasan, seguridad at pangangailangan ay makamit ng bawat isa.
  • FIRST DO NO HARM
  • Ang layunin ng mga manggagamot ay hindi,makapagdulot ng higit pang sakit.
  • Mga bagay na nararapat sa bawat nilalang
  • Kapangyarihan o kalayaan na pinag kaloob sa sino man
  • Kakayahan ng isang indibidual sa isang bansa ang gumawa ng Kalayaan
  • Mga Uri ng Karapatan
    • Karapatan sa buhay
    • Karapatan sa pribadong ari-arian
    • Karapatang magpakasal
    • Karapatang pumunta sa ibang lugar
    • Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
    • Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
  • Ang tao ay may karapatan sa disenteng hanapbuhay upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
  • Bawat Karapatan ay Butil ng Ginto
  • Ni Gregorio V. Bituin Jr.
  • Mamamayan tayong di dapat matanso Ng sinumang taong may utak na liko Bawat Karapatan ay butil ng ginto Sinumang aagaw ay dapat masugpo
  • Karapatan nati'y kasabay pagsilang At dapat magamit hanggang kamatayan Kaya Karapatan ay dapat igalang Ng sinumang tao, gobyerno't lipunan
  • Karapatan natin ang makapagpahayag Ito'y karapatang di dapat malabag Isang moog itong di dapat matibag Tanganan ito't di tayo patitinag
  • Karapatan natin ang mag-organisa Ng manggagawa at karaniwang masa Sa mga samahan, union at iba pa Ng may isang layon at pagkakaisa
  • Karapatan natin ang tayo'y mabuhay May trabahong sapat at nakabubuhay Ng ating pamilya, meron ding pabahay At tatlong beses ding kakain ng sabay
  • Karapatan nating maging malulusog Di nagkakasakit, sa buhay pa'y busog Asikasong pantay-pantay di man irog Tinatanggap kahit ospital ma'y bantog
  • Nakatala itong mga Karapatan Sa mga deklarasyong pandigdig Na dapat basahin at maunawaan Ng lahat ng bansa at pamahalaan
  • Pag sinaling itong karapatang buo Ipagtatanggol diligin man ng dugo Pagkat Karapatan ay butil ng ginto Di tayo papayag na tayo'y matanso