Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kaniyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao
Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa
Kapag nauunawaan ng anak ang kanyang tungkulin o gampanin sa loob ng tahanan batay sa kanyang mabuting katwiran ang pagkapantay-pantay ay mananatili sa bawat isa
Ingatan ang sarili sa mga taong may masamang hangarin at sa mga takaw gulo upang ang iyong reputasyon ay maingatan katulad ng pag-iingat sa iyo ng mahal mo sa buhay
Naipakikita ng isang mag-aaral kung sino siya bilang sarili sa pamamagitan ng pagsunod at paggawa sa kabutihang itinuturo ng guro, magulang at may pagmamalasakit sa kapwa mag-aaral maging sa kagamitan ng paaralan
Ang paminsan-minsang pagsuot ng facemask at pagsunod sa mga curfew na ipinatutupad ng barangay ay makatutulong para sa iyong kaligtasan, seguridad, pag-iingat mo at ng iyong pamilya
Mas mabuti kung hindi agad maniniwala o pagbatayan ang sinabi lamang ng ibang tao o mahal mo sa buhay bagkus may mabuting pagbabalanse ng pag-iisip at damdamin para sa kabutihang pagdedesisyon ng makaiwas sa malungkot na pagkakamali ng dahil sa akala
Mahalaga sa buhay ang suporta ng mga magulang o tumatayong tagapatnubay para sa pangarap, mithiin, ugali o asal sapagkat sila ang pundasyon, magpapatibay, at magpapatatag sa bawat karapatan at tungkulin
Binigyang-diin ni Max Scheler na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao
"With great power comes great responsibility."- Stan Lee tulad din sa kaisipan na kung maraming taong umaaasa at ikaw ang tanging pag-asa, marami ka ring taong dapat na tulungan
Sa bagong kabataan nakasalalay para makamit ang pagbabago ng konsepto ng matatag at mabuting pamilya upang hubugin ang mabuting pagpapakatao ng isang tao sa loob ng tahanan o sambahayan