Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat
Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral sa batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat
Tulong sa pagpapayabong ng tao. Mga gabay din lamang na natutunan sa karanasan ng mga tao sa pagdaan ng panahon. Malayo sa pagiging absolute o ganap na batas para sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan.
Layunin ng Likas na Batas Moral ang ikabubuti ng lahat ng tao sa kanyang pagpapakatao. Hindi para sa kabutihan ng indibidwal lamang ang batas na ito kundi para sa lahat ng tao.
Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) ay matinding kinokondena ang anumang uri ng paniniil at paglalapastangan sa tao.
Ito ang batas na tinaguyod bilang bunga ng mapait na karanasan dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinagtibay ng United Nation General Assembly noong ika-10 ng Disyembre, 1948