Ang modyul na ito ay layuning maituro ang mga konsepto o kaisipan sa mga mag-aaral upang mapamahalaan ang tamang paggamit ng oras na patuloy na maiangat ang kahalagahan ng paggawa na siyang maaaring maging bunga ng paglilingkod at antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang tunay na kaganapan niya bilang isang tao
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito
Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
Ang pagsasapuso mo sa kahalagahan ng pamamahala sa paggamit ng iyong oras ay nakaaapekto sa iyong sariling pag-unlad, sa iyong kapwa, sa lipunan at sa iyong ugnayan sa Diyos na Siyang nagkaloob ng lahat ng bagay kabilang na ng oras