Hindi rin magiging matalino ang pagpili kung ang mapupusuang kurso ay hindi makapagbibigay ng tiyak na trabaho kahit pa ang interes, pagpapahalaga, kakayahan at personalidad ng isang tao ay tugma sa kursong kanyang pinili
Nasa kamay na natin kung paano gagamitin ang mga talinong kaloob ng Diyos sa atin. Kung paano natin ito pauunlarin tungo sa pagkakamit ng kahusayan sa paggawa ang magsisilbing handog natin sa Diyos.
Magtala ng tatlong mahalagang hakbang para sa iyo upang makamit mo ang iyong pangarap o ambisyon sa buhay sa larangan ayon sa apat na curriculum exits na nabanggit sa unang aralin.
Ayon sa iyong pagkakatanda sa pagkilala mo ng iyong mga hilig, talento, kakayahan (skills), pagpapahalaga at mithiing inaasam, maari mo bang itala ang pagkakaiba nito noong ikaw ay nasa ikapitong baitang at ngayong ikaw ay nasa ikasiyam ng baitang.
Magtala ng limang paraan upang maipakita ang patuloy na pagpapaunlad mo ng iyong mga hilig, kakayahan, talento, pagpapahalaga at paraan ng pagkamit ng mithiin.
Sa mapanghamong panahon na ating kinakaharap sa kasalukuyan, magtala ng limang paraan upang maipakita ang patuloy na pagpapaunlad mo ng iyong mga hilig, kakayahan, talento, pagpapahalaga at paraan ng pagkamit ng mithiin sa scroll sa ibaba.
Dahil tayo ay nasa panahon ng pagninilay at pagpaplano sa mga maaari nating pasukin o kukuning track sa SHS o maaaring isa sa mga career exits sa hinaharap, maaaring mayroon ka ng nabuong plano para dito. Maaari ka bang magtala ng iyong mga hakbang na maaring na ginagawa mo upang mapaunlad mo ang mga personal mong salik (talento, kakayahan, at iba pa).