Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay
Kung ang isang tao ay mayroong personal na misyon sa buhay, mas malaki ang posibilidad na magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat
Ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon at ito ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD
Binibigyan tayo ng PPMB ng direksiyon sa ating buhay parang karera ang ating buhay na maraming pit stop o kaya ay building na maraming hagdan na kailangang akyatin bago makarating sa top floor
Malaki ang maitutulong ng pansariling pagtataya sa iyong buhay sa ngayon at ang kalalabasan nito ay kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pagpapasya at pagkilos