panitikan reviewer

Cards (46)

  • Panitikang Pambata
    Ang namamayaning tunguhin at estetika ng panitikang pambata sa Pilipinas
  • Pag-akda at Pagkabata

    Mga hamon sa produksyon ng panitikan para sa bata
  • Coats (2011)
    • Pagdulog sa anyo bilang kategoryang popular o pedagohika
    • Laganap na cross-marketing ng produkto mula sa mga aklat pambata
    • Ang pagsusuri ay nakatuon sa kaakmaan o age appropriateness
  • Pecson-Fernandez (1993)

    • Kapitalismo ang namamayaning moda ng produksyon
    • Kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino
    • Maliit ang market ng panitikang pambata
  • Audience-oriented
    Ang panitikang pambata
  • Dual audience o Dual address

    Ang panitikang pambata
  • Klasipikasyon ng kathang pambata batay sa kakayahan sa pagbabasa

    • Kathang binabasa o isinasalaysay ng mas nakatatanda
    • Kathang walang mga titik o salita kundi mga ilustrasyon
    • Kathang binabasa ng mga mag-isa nang bata na may kalakip na ilustrasyon
    • Kathang binabasa ng mag-isa nang bata na walang ilustrasyon at may masalimuot na banghay, istruktura ng mga pangungusap at malawak ang talasalitaang ginamit
  • May mga unibersal mang karanasan sa pagkabata batay sa biolohikal na pag-unlad, ngunit lagi itong nag-iiba batay sa karanasang kultural, pangkasaysayan, pang-ekonomiya at panlipunan
  • Pinalalaki ang batang Filipino sa pamamagitan ng
    • Pagiging tagasunod sa mga patakaran ng nakakatanda - hindi hinahayaan na mag-isip bilang indibidwal
    • Pagpapahalaga ng pamilya sa pagiging masunurin ng mga anak
    • Pagsanay na supilin o isantabi ang kanilang mga damdamin - bawal ang magdabog ngunit mas mainam ang pagtatampo
    • Hindi pagpapalaki sa layaw o luho
  • Gabay ng mga manunulat sa paglikha ng kathang pambata
    • Tutugon sa pangangailangan sa higit na marami at malawak na depinisyon ng batang Filipino
    • Kathang hindi lamang sa bata mula sa nakaririwasang pamilya
    • Kathang magpapalawak sa konsepto ng pambansang kultura at tradisyon
    • Kathang hindi lamang payak na pantasya
    • Kathang mag-uugnay sa bata sa kanyang lipunan
    • Kathang hindi pinasisimple ng wika at realidad
  • Ang batang mambabasa ay
    • Bayani
    • Aktibo
    • Kritikal
    • Malikhain
    • Natatangi
  • Nararapat na magkaroon ng Filipinong sensibilidad ang pag-akda para sa bata - (1) mga elementong pampanitikan, (2) karakterisasyon ng mga batang tauhan, (3) distribusyon ng mga akda
  • Kailangan ding malaman ng bata na ang mundo'y hindi isang ideyal na parke na humahalimuyak ang mga bulaklak at nagpapatintero ang mga ibon. Dapat nilang malaman na sa likod ng talahiban, naghihintay ang isang asong ulol na handa silang sagpangin.
  • Kuwenta ng Kuwento
    Pag-aaral ng Maikling Kuwento
  • Mga perspektibong makakapagdulot ng mas komprehensibong pagbasa sa akda
    • Pormalismo
    • Historikal at Sosyolohikal
    • Kultural
    • Estetika at Pagkatao
    • Alamat, Kuwentong-Bayan, Salaysay at Dagli
  • Ang Maikling Kuwento ang pinaka-aral na porma ng panitikan sa bansa
  • Nagmula ang pagpapasigla sa Maikling Kuwento sa panahon ng mga Amerikano
  • Dalawang layong kultural
    1. Itaguyod ang kabanyagahan ng kaisipan sa pamamagitan ng malawakang paggamit ng Ingles na tulad ng edukasyon ay aparato ng kolonyal na kaayusan
    2. Ang pagtiwalag ng mga lokal na kaisipan sa pagkataong Filipino
  • Pormalismo
    Tinitingnan ang kuwento bilang binubuo ng mga formal na elemento at sangkap
    Malinaw ang pag-unlad ng kuwento – simula, gitna at katapusan
    Pangunahing sangkap ng maikling kuwento: Tagpuan, Karakter, Tunggalian, Plot o banghay, Resolusyon
  • Historikal at Sosyolohikal
    Pinag-aaralan ang akda bilang produkto o artifact ng isang partikular na kasaysayan at sosyolohikal na pormasyon o lipunan
    Mahalagang may kaalaman sa sosyopolitikal, pang-ekonomiya at pangkultura na aspekto sa dalawang tinutukoy na panahon at lipunan
  • Kultural
    Sumusuri sa iba't ibang kultural na salik ng ating pagkatao
    Kinikilatis ang iba't ibang salik na bumubuo ng mga identidad: Uri, Lahi at etnisidad, Seksuwalidad at Kasarian
  • Estetika at Pagkatao
    Ang pag-unlad ng kapitalismo bilang pinakamalaganap na pandaigdigang ekonomiyang puwersa ay nagbunsod din ng kaakibat na pag-unlad ng estetika sa produksyon ng sining at kultura
    Ang pagkatao'y binubuo ng napakaraming kalabisan dulot ng panghihiram at pangkakamkam ng ibang kultura at kasaysayan
  • Gamit ang isa o dalawa sa mga tinalakay na perspektiba, suriin ang kabuuang akda sa usapin ng mga karakter, lokasyon, nilalaman at iba pang elemento
  • Pag-aklas
    Ang paghahanap ng kontraryong bagay at karanasang makakapagpaliyab sa mambabasa-mamamayan na lumaban sa abang politikal na designasyon at kinalalagyan, na mayroon siyang ahensiya at maaaring makapagbuo ng kolektibo ng kahalintulad na lagay na makakatapat sa elaborasyon at rebersal ng hegemoniya ng sistema
  • Pagbaklas
    Ang pagkilos tungo sa pagbuyangyang sa panitikan at maging sa kasaysayan at lipunan, bilang panlipunang konstruksiyon, at sa proseso ng paghihimay ng mga bahaging bumubuo ng estruktura ng kapangyarihan ay nagpapakitang hubad ang marahas na kapangyarihan, nakakapagmapa ng mga paraan ng pagbalikwas sa kapangyarihan
  • Pagbagtas
    Paghahanap ng alternatibo at kaibang daang maaaring tahakin tungo sa pagbuo ng rebolusyunaryong pananaw, ang pananaw na makakapag-interrogate at sa proseso at makakapagbalikwas sa namamayaning kaayusan
  • Diaspora
    Karanasan ng Jews na sapilitang nakatira sa labas ng Israel (586 BC). Intensyon umano ng Diyos na ang mamamayan ng Israel ay kumalat sa buong mundo.
  • Uri ng makabagong diaspora
    • Politikal na exile
    • Economic exile
    • Kolonyalismo - marahas na pagwalay sa sariling pagpapakaranasan
    • Intelektwal - aktwal na exile
  • War Brides
    Mga Filipina na asawa ng mga sundalong nakipagdigmaan noong World War II
  • Mail-order Brides
    Pagbebenta sa mga Filipina sa pamamagitan ng mga websites na nag-uugnay sa mga lalaking mamili sa pamamagitan ng phone calls, escort service, at marriage brokering
  • Simula ng Katapusan, Katapusan ng Simula
    Nagsimula tayo sa pagtatapos at magtatapos tayo sa pagsisimula. Dalawang dimensyon ng karanasan: Direksyong palabas - madalas ay permanent basis - na nagdadala sa marami nating kababayan sa ibang bansa, ang naging pag-unlad ng karanasan nila roon at ang pagtalakay nila ng kanilang karanasan doon at dito. Temporaryong paglabas at pagbalik ng mga manunulat-intelektuwal at ang pagtalakay nila sa kanilang akda ng karanasan sa paglalakbay.
  • Organisidad ng Paglalakbay at Panitikan
    May organisidad ng uri ang paglalakbay at ang panitikang likha nito. 1900s - mga Ilokano at Bisaya ang lumalabas patungong US. Panahong naisulat ang America Is in the Heart (1946) ni Carlos Bulosan. Pensionado - walang gaanong akda ang naging kanonikal at wala ring ebidensya ng pagsusulat sa hanay na ito. Kasalukuyan - organiko at burgis. Organiko - via email at video. Burgis - nobela, maikling kuwenta at tula.
  • Ambivalence at hybridity
    Tinutukoy ng huli ang paglalahad ng homelessness, gaya ng nostalgia at pagiging di- lubos na Amerikano o Filipino.
  • Nananahak sa dalawang mundo ang organiko at burgis na manunulat

    Hindi siya lubos na nakapaloob sa kultura ng hostland at homeland. Hindi rin lubos ang pagsasaisantabi sa kanya ng hostland at homeland.
  • Kinabahan ako at patawarin ako ng mga anak kong gusto kong lumaking matitino, lumabo sabi nga ang tingin ko sa tama't mali, sa masama't mabuti.
  • Tatlong lumang t-shirt at isang voice tape na nakabalot sa yellow pad ang laman ng bag. Naka-address sa isang Mente Biglang-awa ang teyp, Al-hasab Construction Co., Riyadh, Saudi Arabia.
  • Mente: 'Tiisin mo'ng lungkot, Mente. Para na rin sa'tin, para sa mga anak natin...'
  • Tabi-tabi po
    Situating the Narrative of Supernatural in the Context of the Philippines Community Development
  • Community
    • Indicates a spatial interconnectedness among members through a shared speech tradition
    • Reshaped to mean a social group that is held together by a "shared dimension of experience" and "frequency of social interaction patterns"
  • Shared memories
    Assimilated because of the incorporation of new knowledge and experience