Mga isyu o problema na kasalukuyang kinakaharap ng bansa
Kahalagahan ng pag-unawa sa kontemporaryong isyu
Upang aktibong makalahok sa programa at polisiya na tutugon sa mga problema ng bansa
Upang makaganap ng tungkulin at maunawaan ang ibat ibang aspeto ng mga suliranin sa ating komunidad
Kontemporaryong Isyu
Tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaring gumagambala, nakakaapekto at maaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at sa lipunan na kanyang ginagalawan
Kontemporaryong Isyu
Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan
Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto sa kasalukuyang panahon
Temang napag-uusapan at maaring may Maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan
Mga Aspeto ng Kontemporaryong Isyu
Isyung Pangkapaligiran
Isyung Politikal at Pangkapayapaan
Isyung Pang-ekonomiya
Isyung Pangkarapatang Pantao
Isyung Pangedukasyon at Sibika
Lawak o Sakop
Lokal
Pambansa
Pandaigdig
Mga Kasanayan dapat Taglayin
Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang Sanggunian
Pagtukoy sa Katotohanan at Opinyon
Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
Pagbuo ng Paghihinuha,Paglalahat at Kongklusyon
Primaryang Sanggunian
Ang pinanggalingan ng impormasyon ay ang mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas ng mga ito
Sekundaryang Sanggunian
Mga detalye at interpretasyon batay lamang sa primaryang pinagkukunan
Katotohanan
Totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng aktuwal na datos at may mga ebidensiyang nagpapatunay na totoo ang mga pangyayari
Opinyon
Nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao ukol sa isang usapin o pangyayari
Ang pag-aanlisa ng mga impormasyon na may kaugnayan sa agham panlipunan ay kinakailangan na walang kinikilingan
Hinuha
Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay para makabuo ng isang konklusyon
Paglalahat
Ang proseso kung saan binubuo ang mga ugnayan bago makagawa ng konklusyon
Konklusyon
Ang desisyon, kaalaman o ideyang nabuo Pagkatapos ng pag-aaral, obserbasyon at pagsusuri ng pagkakaugnay ng mga mahahalagang ebidensiya o kaalaman
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Nahahasa ang pagiging Kritikal at Analitikal
Pagpapahalaga at Respeto sa Pagkakaiba ng Bawat Tao