2

Cards (32)

  • Lipunan
    Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga
  • Emile Durkheim (French Social Scientist): 'Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.'
  • Karl Marx (German Philosopher, Economist, Historian, at Sociologist): 'Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, magiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkataon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan nakabatay sa yaman at kapangyarihan.'
  • Pamilya
    Nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang
  • Paaralan
    Nagpapa-unlad ang kakayahan at patuloy naghuhubog sa isang tao upang maging kapaki pakinabang na mamamayan
  • Pamahalaan
    Ang naglalaan ng seguridad at organisasyon para sa mamamayan
  • Ekonomiya
    Binubuo ng mga taong naghahanap buhay at kumukunsumo ng produkto
  • Simbahan
    Pinapatnubay sa bawat pamilya at indibidwal upang kilalanin ang espiritwal na pangangailangan
  • May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito
  • Social Groups
    Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumibuo ng isang ugnayang panlipunan
  • Primary group
    Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal
  • Secondary group
    Binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa't isa
  • Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan
  • Status
    Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
  • Ascribed status
    Nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak
  • Achieved status
    Nakatalaga sa isang individual sa bisa ng kaniyang pagsusumikap
  • Gampanin
    Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal
  • May mga pagbabago rin sa lipunan na magandang dulot ng pagbabago sa roles ng bawat isa gaya na ang pagiging househusband. Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki at asawang babae ay kinakailangang parehong magtrabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya
  • Anderson at Taylor (2007): 'Ang kultura ay isang kumplikadong sistemang ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali, at ang mabuti sa masama'
  • Panopio (2007): 'Ang kultura ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao'
  • Mooney (2011): 'Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan'
  • Ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura
  • Uri ng Kultura
    • Materyal
    • Hindi materyal
  • Materyal
    Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilllikha ng tao
  • Hindi materyal
    Binubuo ito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao
  • Elemento ng Kultura
    • Paniniwala
    • Pagpapahalaga
    • Norms
    • Simbolo
  • Paniniwala
    Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo
  • Pagpapahalaga
    Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi
  • Norms
    Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsibilbing pamantayan sa isang lipunan
  • Simbolo
    Paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan
  • Isyung personal
    Nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan
  • Isyung panlipunan
    Isang pampubliko bagay, kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan