4

Cards (16)

  • Disaster Management
    Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol
  • Kabilang din dito ang iba't ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad, at hazard
  • Carter (1992): 'Tumutukoy sa iba't ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard'
  • Ondiz at Rodito (2009): 'Napakaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin, at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna, at hazard'
  • Kung bibigyang pansin ang dalawang kahulugan, makikitang hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng disaster management
  • Kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar
  • Hazard
    Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan
  • Mga uri ng hazard
    • Anthropogenic hazard (human-induced hazard)
    • Natural hazard
  • Disaster
    Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya
  • Vulnerability
    Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard
  • Risk
    Tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay ng tao dulot ng pagtama ng isang kalamidad
  • Resilience
    Ang paging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad
  • Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
    • Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng ibat ibang kalamidad
    • Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba't ibang kalamidad at hazard
  • Binibigyang diin ng PDRRM Framework ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard
  • Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating pamahalaan
  • Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad