6

Cards (28)

  • Mga Hakbang sa Pagbuo ng CBDRR
    1. Disaster Prevention and Mitigation
    2. Disaster Preparedness
    3. Disaster Response
    4. Disaster Rehabilitation & Recovery
  • Ang pagiging laging handa sa anumang suliranin o kalamidad ay dapat naisasagawa ng bawat mamamayan upang mabawasan o maiwasan ang anumang epekto ng mga ito sa buhay ng mga mamayan
  • Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

    1. Tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba't ibang suliraning pangkapaligiran
    2. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad
  • Disaster Risk Assessment
    1. Hazard Assessment
    2. Vulnerability Assessment
    3. Capacity Assessment
    4. Risk Assessment
  • Hazard Assessment
    Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon
  • Pisikal na katangian ng Hazard
    • Pagkakilanlan
    • Katangian
    • Intensity
    • Lawak
    • Saklaw
    • Predictability
  • Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba't ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar
  • Hazard Mapping
    Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala
  • Historical Profiling
    Gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano ito kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala
  • Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)

    Nasusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba't ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar
  • Vulnerability Assessment
    Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard
  • Capacity Assessment
    Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba't ibang uri ng hazard
  • Kategorya ng Vulnerability
    • Pisikal o Materyal
    • Panlipunan
  • Structural Mitigation at Non-Structural Mitigation ang dalawang uri ng Mitigation
  • Vulnerability Assessment - Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na Kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard
  • Vulnerability Assessment
    • People at Risk
    • Location of People at Risk
  • Capacity Assessment
    Sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard
  • Mga Aspeto ng Capacity Assessment
    • Pisikal o Materyal
    • Panlipunan
    • Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard
  • Itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad
  • Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng impormasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanang kung ano at kanino hihinging tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan
  • Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

    1. Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng komunidad
    2. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard
    3. Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard
  • Ikatlong Yugto Disaster Response
    1. Needs Assessment
    2. Damage Assessment
    3. Loss Assessment
  • Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot ang Needs Assessment
  • Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad ang Damage Assessment
  • Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawalang produksyon ang Loss Assessment
  • Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation & Recovery

    Nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad
  • Ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang Cluster Approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at hazard sa Pilipinas
  • Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan