Ito ay ang mga usaping napapanahon na tahasang nakakaapekto sa pamumuhay ng tao at mga pangyayari sa kasalukuyang panahon na marapat na mabigyan ng agarang pansin at solusyon tulad ng mga pangyayaring nauugnay sa usaping politikal, sosyo-ekonomik, at sosyal.
Pangkapaligiran
Mga usaping may kinalaman sa global warming, pagkasira ng ozone layer, at iba’t ibang disaster, isyu sa kalusugan.
Pandaigdigan at lokal na ekonomiya
Mga usaping may kinalaman sa globalisasyon (politikal,
teknolohikal, sosyo-kultural at ekonomikal), regional integration,
migrasyon, at kahirapan.
Pangkasarian
Mga usaping may kinalaman sa gender equality at diskriminasyon.
Pananagutang sibiko at Pagkamamamayan
Mga usaping may kinalaman sa mga aktibong mamamayan at
karapatang pantao.
Lipunan
Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Istruktura at Kultura
Ito ang dalawang mukha ng lipunan.
Institusyon, Social Group, Gampanin/Role, at Status
Ano-ano ang mga elemento ng istrukturang panlipunan?
Institusyon
Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan (Mooney, 2011). Ang pagkahubog ng kaasalan at gawi ng
bawat isa ay bahagi ng epekto ng mga institusyong bumubuo sa isang
lipunan. Hal. pamilya, simbahan, edukasyon at pamahalaan.
Primary Group
Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.
Secondary Group
Binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Nagkakaroon ng di-magandang ugnayan ang mga bumubuo sa social group na nagdudulot ng isyu at hamong panlipunan. Halimbawa nito ay ang hindi magandang ugnayan na namagitan sa ilang manggagawa at may-ari ng kumpanya, ito ay maaring magresulta ng pagwewelga.
PrimaryGroup at SecondaryGroup
Ang dalawang uri ng Social Group.
Social Group
Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Gampanin/Role
Tumutukoy ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
Status
Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa
lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status.
Ascribed Status at Achieved Status
Ang dalawang uri ng status.
Ascribed Status
Nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak.
Hindi ito kontrolado ng isang indibidwal.
Halimbawa: Kasarian (Si Jaja ay ipinanganak na babae)
Achieved Status
Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap
Maaaring mabago ng isang indibidwal ang kaniyang achieved status
Halimbawa: Pagiging isang Guro. (Si Nho-nho ay naging