URI NG TULA

Cards (15)

  • TULANG PANDAMDAMIN
    Ito ay tinatawag ding tulang liriko.
  • TULANG PANDAMDAMIN
    Isang tula na itinatampok ng makata ang kaniyang sariling damdamin at maging ang kaniyang pagbubulay-bulay.
  • AWIT o DALITSUYO
    Isang tulang pandamdamin na ang paksa ay nauukol sa pagmamahal, pamimighati, at pagmamalasakit ng isang mangingibig.
  • ELEHIYA o DALITLUMBAY
    Isang tula ng pananangis, pag-aalala sa isang yumao, at may himig na matimpi at mapagmuni-muni.
  • PASTORAL o DALITBUKID
    Isang tula na naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.
  • ODA o DALITPURI
    Isang tula na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal.
  • DALIT o DALITSAMBA
    Isang tula na pumupuri sa Diyos at sa mga banal.
  • DALIT o DALITSAMBA
    Kalimitan itong may wawaluhing pantig na may
    dalawa hanggang apat na taludtod.
  • SONETO o DALITWARI
    Isang tula na may labing-apat na taludtod.
    Ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng
    isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin—Ang sumunod na mga saknong ay nagsasaad ng katuturan at kahalagahan.
  • Dalitwari o Soneto
  • Dalitsamba o Dalit
  • Dalitpuri o Oda
  • Dalitbukid o Pastoral
  • Dalitlumbay o Elehiya
  • Dalitsuyo o Awit