Ayon kay Aristole, ito ay using sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
KARANIWANG PAKSA NG DULA
Tumutukoy sa realidad ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng mensahe.
KAHALAGAHAN NG DULA
Mahalaga ang dula sa mga manonood dahil ito ay nagdudulot ng higit na kulay at kahulugan ng buhay.
KOMEDYA
Ito ay katawa-tawa, magaan ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay nagtatagumpay sa wakas.
TRAHEDYA
Ito ay mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos, ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa hindi mabuting sitwasyon at suliranin.
TRAGIKOMEDYA
Ito ay magkahalong katatawanan at kasawian kung saan ang tauhan ay may layuning magpasaya ngunit may itinatagong kalungkutan at kasawian sa buhay.
SAYNETE
Ito ay dulang panlibangan na may paksang tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.
PARODYA
Ito ay dulang mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang komentaryo o pamumuna o pambabatikos na katawa-tawa.
PROBERBYO
Ito ay dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain upang magsilbing huwaran ng tao sa kaniyang buhay.
PARSE
Ito ay dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. Ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan,