Buhay ni Rizal

Cards (93)

  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
    Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo
  • Jose Rizal
    • Isinilang sa Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
    • Binaril sa Bagumbayan (ngayo'y Luneta; Disyembre 30, 1896)
  • Mga Magulang

    Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos
  • Mga Ninuno
    • Domingo Lamco (negosyanteng Instik, sa panig ng ama)
    • Lakandula (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila, sa panig ng ina)
  • Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
  • Ninong: Padre Pedro Casañas
  • Paboritong kura paroko/parish priest
    Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
  • Buong Pangalan
    Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
  • Mga Kapatid
    • Saturnina
    • Paciano
    • Narcisa
    • Olympia
    • Lucia
    • Maria
    • Concepcion
    • Josefa
    • Trinidad
    • Soledad
  • Unang guro
    Ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at panimulang pagbasa)
  • Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro
  • Unang tulang sinulat: "Sa Aking mga Kabata" (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa sariling wika; 8-taong gulang siya noon)
  • Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya
    • Tiyo Manuel (palakasan/sports)
    • Tiyo Gregorio (pag-ibig sa aklat)
    • Tiyo Jose Alberto (husay sa sining/art)
  • Unang guro sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
  • Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-law niya
  • Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas: Pagbitay sa Gomburza (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na nagsusulong sa Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872)
  • Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit)
  • Tulang sinulat sa paglaya ng ina: "Mi Primera Inspiracion" (My First Inspiration/Ang Una Kong Inspirasyon)
  • Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech
  • Paboritong Guro sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat)
  • 1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura; tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon)
  • Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto ng ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon, rektor ng Ateneo
  • Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : "A la Juventud Filipina" (Sa Kabataang Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan
  • Dulang nagwagi ng unang gantimpala: "El Consejo de los dioses" (Ang Pulong ng mga diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng "Iliad" at "Odyssey"), Virgil (nagsulat sa Latin ng "Aeneid") at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng "Don Quijote de la Mancha") ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes
  • 1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de Rivera pero walang nangyari
  • Dahilan kung bakit nagpasyang mag-aral sa ibang bansa
    • Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon
    • May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino
    • Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ng Compañerismo (kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
    • Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)
  • Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship)

    1. Singapore
    2. Colombo, Sri Lanka
    3. Aden, Yemen
    4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt)
    5. Italya
    6. Pransya
    7. Espanya (dumating: Hunyo 1882)
  • Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na "Amor Patrio" (Pag-ibig sa Bayan o Love of Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan ("matagal nang inalay") isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores Manapat; lumabas sa "Diariong Tagalog" (unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas)
  • Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa "Circulo Hispano-Filipino" at sa Masonerya o Freemasonry
  • Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo, 2 pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa "La Spolarium" at "Virgenes Expuestas Al Populacho," na parehong masining na tumuligsa sa masamang pamamahala ng mga Kastila
  • 1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona
  • 1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging bahagi ng "La Solidaridad" (dyaryo ng Kilusang Propaganda)
  • Sa Alemanya/Germany
    • Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best friend
    • Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker
    • Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang "A las Flores del Heidelberg" (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan
    • Tinapos at pinalimbag ang "Noli Me Tangere" sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
  • Unang Pagbalik sa Pilipinas: Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
  • Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio
  • Prof. Ferdinand Blumentritt
    Austrian ethnologist na nananaliksik tungkol sa wikang Tagalog, naging pinakamatalik na kaibigan/best friend ni Jose Rizal
  • Pagpapagamot ni Jose Rizal
    1. Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker
    2. Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
    3. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba't ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig
  • Sinulat ni Jose Rizal ang tulang "A las Flores del Heidelberg" (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg) na nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan
  • Paglimbag ng "Noli Me Tangere"
    Tinapos at pinalimbag sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
  • Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na pinamagatang "Caiingat Cayo" (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano'y subersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan)