Ang pabula ay isang maikling kuwento na kinapapalooban ng mensahe o aral na kadalasang ginagamitan ng mga hayop bilang tauhan o mga bagay na nagsasalita, kumikilos at nabubuhay na parang isang tunay na tao.
Si Aesop o Esopo ay isang alipin na dahil sa kalupitang dinanas mula sa mga amo ay nakapagimbento ng mga kwentong tungkol sa kalupitan ng mga ito at patungkol din sa karaniwang kaugalian ng mga tao.