Ang EPIKO ay isang mahabang tulang pasalaysay ng magiting na pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may pambihirang katangian, ang mga tagumpay niya sa digmaan at pakikipagtunggali sa mga kaaway.
Ang EPIKO ay tungkol sa mga mahiwagang pangyayari o mga kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran at sukatan sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang sambayanan.