Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman
Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid
Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan
Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga
Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga
Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya Leonora
Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihaing ng ama niyang si Haring Salermo