Module 11

Cards (21)

  • Pakikinig
    ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
  • Pakikinig
    Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe.
  • Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginawa.
  • 45% ay nagagamit sa pakikinig
    30% ay sa pagsasalita
    16% ay sa pagbabasa
    9% naman sapagsusulat
  • Mga Elementong Nakaiimpluwensya sa Pakikinig
    Edad o Gulang
    Oras
    Kasarian
    Tsanel
    Kultura
    Konsepto sa Sarili
    Lugar
  • Edad o Gulang
    kung ang bata ay nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes bukod pa sa kanilang kakulungan sa pang-unawa.
  • Oras

    ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling-araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
  • Kasarian
    Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na
    nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan.
  • Tsanel
    Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo at iba
    pa.
  • Kultura

    Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
  • Konsepto sa Sarili
    Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari nyang magamit sa
    pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
  • Lugar
    Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng lebel ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
    panayam.
  • Uri ng Tagapakinig
    Eager Beaver
    Sleeper
    Tiger
    Bewildered
    Frowner
    Relaxed
    Busy Bee
    Two-Eared Listener
  • Eager Beaver
    siya ang taga pakinig na ngiti lang ng ngiti o tangu lang ng tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
  • Sleeper
    Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
  • Tiger
    Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihan ng tagapagsalita.
  • Bewildered
    Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintidihan sa naririnig.
  • Frowner
    Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
  • Relaxed
    Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang kita sakanya ang kawalan ng interes sa pakikinig.
  • Busy Bee

    Isa siya sa pinakaaayaw ang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
  • Two-Eared Listener
    siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang nag kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak.