Kapag nakapili ng isang bagay na biblhin o gagawin, ito ay tinatawag na siya ay gumawa ng desisyon.
Ang pagpapasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kanyang pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman ay tinatawag na individual choice.
Ang social choice ay ang pinagsama-samang pagpapasiya ng mga indibidwal, pangkat, organisasyon, at pamahalaan ukol sa hakbangin upang matugunan ang mga pangangailangan ng buong lipunan.
Ang social choice ay pagpapasiya ng pamahalaan kung saan gagamitin ang kita ng bansa upang mabigay ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Ang lahat ng pagpili at pagdedesisyon na ginagawa ng indibidwal at pamahalaan ay itinuturing economic choice at economic decision.
Ang economic choice ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
Bahagi ng economic choice at economic decision ang pagpipili ng pagkain na kakainin, damit na isusuot, bahay na titirhan, at ng iba pang bagay na kailangan ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan sa buhay.
Sa bawat pagpili at pagdedesisyon ay mayroong isinasaalang-alang tulad ng halaga at benepisyo.
Ang economic choice at economic decision ay halos magkatulad sapagkat ito ay isinasagawa ng tao at pamahalaan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa buhay.
Ang opportunity cost ay tumutukot sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito.
Ang opportunity cost at benepisyo ay ang bunga ng pagpili ng isang bagay mula sa maraming pagpipilian.
Kapag isinasakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng ibang produkto ay nagaganap ang tinatawag na trade-off.
Ang trade-off ay ang pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay.
Ang benepisyo ay may kinalaman sa pakinabang na nakukuha mula sa ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng tao.
Sa bawat pagpili ay may opportunity cost at benepisyo na matatamo ng isang tao,].