Buwan ng Wika Quiz Bee Reviewer

Cards (38)

  • Nagsimula ang pagtatangka na magtatag ng pambansang wika sa Pilipinas noong 1935 bilang Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon noong panahon ng Komonwelt
  • Pinagtibay ang isang wika batay sa Tagalog bilang ang pambansang wika noong 1946, na opisyal na itinalaga bilang Pilipino noong 1959
  • Ipinanganak si Manuel L. Quezon noong ika-19 ng Agosto 1878 sa Baler, Aurora, at namatay siya ng ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York, U.S
  • Pormal na pinalitan ang Pilipino ng "Filipino" noong 1973
  • Naging mga opisyal na wika ng Pilipinas ang Filipino at Ingles sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987
  • Si Pangulong Sergio Osmena ang nagtatag ng Linggo ng Wika ang hinalinhin o nauna sa Buwan ng Wika sa Proklamasyon Blg. 35 noong 1946
  • Mula 1946 hanggang 1953, taunang ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika mula Marzo 27 hanggang Abril 2 (Pinili ang petsa ng kawakasan dahil ito ang kaarawan ng literatong Tagalog na si Francisco Balagtas)
  • Binago ni Pangulong Ramon Magsaysay ang mga petsa na maging Marso 29 hanggang Abril 4 noong 1954
  • Muling binago ni Magsaysay ang mga petsa ng pagdiriwang sa Agosto 13 hanggang 19 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186
  • Pinili ang mga petsang "Agosto 13 hanggang 19" dahil ito ang kaarawan ni Manuel L. Quezon na kinikilala bilangn "Ama ng Wikang Pambansa"
  • Noong 1988, inapirma ni Pangulong Corazon Aquino ang mga petsa sa Proklamasyon Blg. 19
  • Noong Enero 15, 1997, pinalawig ang Linggo ng Wika sa Proklamasyong Blg. 1041 ni Pangulong Fidel V. Ramos upang masakop ang buong buwan ng Agosto
  • Mula 2019, naging bahagi ng pagdiriwang ang pagtaguyod ng mga ibang katutubong wika ng Pilipinas kaayon ng pagtatalaga ng UNESCO sa taon bilang "Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika"
  • Bago pa magkaroon ng selebrayon ng Buwan ng Wika ng August, nagsimula ito sa Linggo ng Wika kung saan si Pangulong Sergio Osmena ang unang nagdeklara ng pagdiriwang ito
  • Mula 1946 hanggang 1954, ginugunita ang Linggo ng Wika tuwing March 7 hanggang April 2 (Pinili ang April 2 dahil ito ang kaarawan ng Pilipinong manunulat at makata na si Francisco Balagtas)
  • Dalawang beses iniusog ang petsa ng pagdiriwang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay, ito ay March 29 hanggang April 4 noong 1954, at August 13 noong 1955
  • Kaya Agosto ito ipinagdiriwang ay dahil ang orihinal na Linggo ng Wika ay nagaganap tuwing bakasyon ng mga estudyante, kaya hindi naisasama ang mga paaralan sa pagdiriwang nito
  • Itinapat ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Quezon
  • Noong 1997,idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041
  • Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "Filipino: Wikang Mapagpalaya". Binibigyang tingkad nito ang wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya
  • Ang pagdiriwang ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito
  • Ang Wikang Pambansa ay halaw sa mga magagandang wika ng mga???
    Ivatan, Ifugao, Maranao
  • Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?
    Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
  • Ano ang pangunahing instrumento ng mga tao upang makipag ugnayan?
    Wika
  • Ano ang pinakaunang pag-aaral sa istruktura ng wika?
    Tunog
  • Ano ang wikang sinang-ayunan ni Rizal na maging wikang pambansa sa Panahon ng Kastila?
    Wikang Kastila
  • Ilan ang diptonggo na mayroon ang Alpabetong Tagalog?
    Pito
  • Sino ang ama ng Balarilang Tagalog?
    Lope K. Santos
  • Ano ang spanish title ng Lupang Hinirang?
    Marcha Nacional Filipina
  • Ano ang tawag sa salitang kalye o salitang kanto?
    Balbal
  • Ano ang tawag sa uri ng impormal na salita na may pagka bulgar?
    Kolokyal
  • Sino ang sumulat ng Florante at Laura?
    Francisco Balagtas
  • Ano ang palayaw ni Jose Dela Cruz na sumulat ng Ibong Adarna?
    Huseng Sisiw
  • Sino ang nagpakilala ng ABAKADA?
    Lope Santos
  • Ano ang sinaunang sistema ng pagsulat sa Pilipinas?
    Baybayin
  • Sino ang gumawa ng mga liriko ng Lupang Hinirang?
    Jose Palma
  • Sino ang gumawa ng musiko ng Lupang Hinirang?
    Julian Felipe
  • Kung ang book ay aklat, ano naman ang tagalog ng petals?
    Talutot