KUWENTONG-BAYAN - Kuwentong tuluyan na nagsasaad ng tradisyon ng mga Pilipino. Ito ay naglalarawan sa kaugalian, pananampalataya at suliraning panlipunan sa panahon na iyon.
Halimbawa: Ang Diwata sa Karagatan, Ang Punong Kawayan, Ang Sundalong Patpat
ALAMAT - Tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: Alamat ng Kalamansi, Alamat ng Durian, Alamat ng Ampalaya
MITO - Kuwentong tumutukoy sa kahiwagahan ng diyos at diyosa.
Halimbawa: Ang Sirena at si Santiago, Ang kwento ni Cupid and Psyche, Ang kwento ni Mariang Makiling
EPIKO -
Tumutukoy sa kabayanihan ng isang tauhan na may kagila-gilalas o ‘di kapani-paniwalang pangyayari.
Halimbawa: Ang Biag ni Lam-ang, Buod ng Hudhud (kuwento ng Aliguyon), Ibalon (epiko ng Bicol)
SAWIKAIN - idyoma, matatalinghagang pahayag.
Halimbawa: Balat-sibuyas, Abot-tanaw, Butas ang bulsa
KARUNUNGANG-BAYAN -
Tinatawag ding kaalamang-bayan na nagmula sa Tagalog at hinango sa mahahabang tula.
BULONG - Pahayag na may sukat at tugma na ginagamit na pangulam o pangontra sa kulam at sa masasamang elemento
BUGTONG
- Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
KASABIHAN - Karaniwang ginagamit sa panunukso at pagpuna sa payak na kilos ng isang tao
SALAWIKAIN - proverbs, batas o tuntunin ng kagandahang-asal, parangal at pag-akay sa mga kabataan na magkaroon ng mabuting asal
PALAISIPAN - Sumusubok sa talas ng isipan ng tao. Paglutas sa suliranin at pagpapahula ng malalim na pag-iisip