Cupid at Psyche

Cards (23)

  • Ito ay nagmula sa Rome, Italy.
  • Isinalaysay ni Apuleuis; manunulat na Latino.
  • Ito ay bahagi ng mitong "Matamorphoses" o "The Golden Ass"
  • Isinalin aa Filipino ni Alvin D. Mangaoang
  • Psyche - pinakamaganda sa tatlong magkakapatid.
  • Venus - Diyosa ng Kagandahan
  • Nagalit si Venus kay Psyche dahil nalimot ng mga lalaki na magbigay ng alay at napabayaan ang kanyang templo.
  • Cupid - Anak ni Venus at Diyos ng Pag-ibig. Inutusan na paibigin si Psyche sa nakakatakot na nilalang. Umibig kay Psyche at nilihim kay Venus.
  • Naglakbay ang Hari kay Apollo para humingi ng payo para makahanap ng mabuting lalaking iibig kay Psyche.
  • Naunahan na ni Cupid ang Hari at inutusan si Apollo na sabihin sa Hari na "Makakapangasawa ng nakakatakot na halimaw ang iyong anak at kailangan mong tumalima sa aking payo."
  • Pinabuhat si Psyche papunta sa tuktok ng bundok.
  • Nangulila si Psyche sa mga kapatid kaya humiling kay Cupid na makita sila at nangakong hindi sasabihin sa mga kapatid na hindi pa niya nakikita ang kanyang mukha.
  • Sinulsulan ng mga kapatid si Psyche na huwag sundin ang asawa.
  • Pinagtangkaan ni Psyche si Cupid dahil sa sulsol ng kanyang mga kapatid.
  • "Hindi nabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala." Ito ang mga huling binitawan na salita ni Cupid kay Psyche bago tuluyang mawala.
  • Nakarating si Psyche sa tahanan ni Venus dahil sa sobrang pagsisisi at hinarap ang mga hamon at pagsubok ni Venus.
  • Ang unang pagsubok ay pagsama-samahin ang mga butong magkakauri. Natapos niya ito sa tulong ng mga langgam.
  • Pangalawang pagsubok - Pagkuha ng gintong balahibo sa mapanganib na tupa. Natapos sa tulong ng mga halaman.
  • Pangatlong pagsubok - Pagsalok ng itim na tubig sa itim na alon. Natapos sa tulomg ng ibon.
  • Pang-apat na pagsubok - Kahon para sa kagandahan. Natapos sa tulong ng tore.
  • Natukso si Psyche sa huling pagsubok at binuksan ang kahon. Nalaman ni Cupid ang paghihirap ni Psyche at pinana niya ito at muling nagkamalay.
  • Upang hindi na muling kumontra si Venus sa pag-iibigan nilang dalawa ay humingi na sila ng basbas kay Jupiter at naging imortal na si Psyche sa pagkain ng ambrosia.
  • Ambrosia - Pagkain ng mga Diyos at Diyosa sa mitolohiya.