Lesson 2: Part 1

Cards (23)

  • Mitolohiya - tungkol sa diyos at diyosa na nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan
  • Tauhan - diyos o diyosa na may taglay na kapangyarihan
  • Tagpuan - tumutukoy sa pook na pinaggaganapan at
    panahong kinapapalooban nito
  • Banghay - tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na. pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa binasang akda.
  • Tema - kabuuang mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa
  • Estilo - paraan o anyo ng pagpapahayag, paggawa, o pag-uugali na nagpapakita ng natatanging katangian, pagkakakilanlan, o panlasa ng isang indibidwal, grupo, o panahon
  • Tono - ang saloobin o damdamin na ipinapahayag ng awtor sa mito.
  • Pananaw - kadalasang nasa ikatlong pananaw
  • Zeus/Jupiter - hari ng mga diyos, diyos ng kalangitan, kulog at kidlat, tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako. May simbolo na kidlat at agila
  • Hera/Juno - Reyna ng mga Diyos/Diyosa. Tagapangalaga ng pagsasama ng mga mag-asawa, kababaihan, at pamilya. Ang simbolo ay peacock at baka.
  • Hades/Pluto - Diyos ng kamatayan at Hari ng kabilang buhay. Simbolo ay asong may tatlong ulo.
  • Athena/Minerva - Diyos ng karunungan at pakikipagdigma. Simbolo ay kuwago at puno ng oliva.
  • Apollo - Diyos ng liwanag, araw, propesya, musika, panulaan, at panggagamot. Anak ni Jupiter. Simbolo ay lyre at sisne.
  • Artemis/Diana - Diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at buwan. Kambal na babae ni Apollo. Simbolo ay buwan at lobo.
  • Aphrodite/Venus - Diyosa ng kagandahan, pag-iisip, at pagnanasa. Simbolo ay kalapati.
  • Mestia/Vesta - Diyosa ng apuyan. Panganay ni Saturn. Simbolo ay apoy o apuyan.
  • Hepahaestus/Vulcan - Diyos ng apoy. Ang simbolo ay apoy, martilyo, at pugo.
  • Eros/Cupid - Diyos ng sekswal na pag-ibig at kagandahan. Anak ni Venus at Mars.
  • Poseidon/Neptune - Diyos ng karagatan, tubig, bagyo, lindol, at alon. Simbolo ay kabayo.
  • Maylapi - salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi. (ex. ma+ganda = maganda)
  • Inuulit - kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. (ex. kamalay-malay)
  • Payak - binubuo ng salitang-ugat lamang. Walang panlapi, inuulit, o katambal. (ex. kaluluwa)
  • Tambalan - binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang salita lamang. (ex. nagtakip-silim)