Filipino

Cards (13)

  • Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila noong ika-16 na siglo, may mayamang kaban ng panitikan na ang ating mga ninuno
  • Mga anyo ng panitikan ng mga ninuno
    • Mga bugtong
    • Sawikain
    • Kuwentong-bayan
    • Alamat
    • Epiko
    • Kasabihan
    • Palaisipan
    • Iba pa
  • Panitikang Pilipino
    Katulad din ng panitikan ng ibang bansa na pasalindila (oral) at pasalinsulat (written)
  • Panitikang Pilipino
    Nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, relihiyon, adhikain at mga pangarap
  • Kalimitang nagtitipon-tipon ang mga katutubo upang pakinggan ang mga salaysayin, pamamahayag at iba pa
  • Paulit-ulit na pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa ito'y matanim sa kanilang isipan
  • Sa palagiang pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan, nagawa nilang maisalin ito sa susunod na henerasyon
  • Isinulat at iginuhit naman ang ibang akda sa mga kahoy, kawayan, bato at dahon
  • Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa paniniwalang galing ito sa diyablo
  • Ngunit di nalipol ang lahat na panitikan dahil ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao
  • Ita o Negrito
    Kauna-unahang naininirahan sa Pilipinas na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao
  • Mayroon na silang mga bulong, awitin at kasabihan na ginagamit noon
  • Batay sa "Waves of Migration Theory" ni Henry Otley Bayer Chua, 2013