1.1 - PANITIKAN

Cards (46)

  • Panitikan - Ekspresyon ng tao.
  • Panitikan - Dito inilalarawan ang mga ugali, asal, gawi, at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kanilang kapanahunan.
  • Ponciano B. Pineda - Ang panitikan ay katipunan ng magaganda, marangal, masisining at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at tunggali ng ating lahi.
  • Maria Ramos - Ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alin mang uri ng lipunan.
  • Nicasio at Sebastian - Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi, na ipinapahayag ng maganda at masining sa paraang nakasulat man o hindi.
  • Jose Arrogante - Ang panitikan ay talaan ng buhay.
  • Simplicio Bisa - Ang panitikan ay salamin ng lahi
  • 3 Anyo ng panitikan
    • Tuluyan o Prosa
    • Patula
    • Patanghal
  • Tuluyan o Prosa - Nasusulat ng papangungusap. Wala itong sukat at tugma.
  • Halimbawa ng Tuluyan o Prosa
    • Maikling kwento
    • Balita
    • Talambuhay
    • Salaysay
    • Sanaysay
    • Parabula
    • Pabula
    • Nobela
  • Patula - Nasusulat ng pasaknong na may tradisyonal na tuntunin ay dapat magtaglay ng sukat, tugma, talinhaga at kariktan.
  • Sukat - Ito ang bilang ng pantig
  • Tugma - Pagkapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod
  • Talinhaga - Malalim na kahulugan sa taludtod ng tula.
  • Kariktan - Maririkit na salita sa isang tula
  • Taludtod - Linya ng mga salita sa tula
  • Saknong - Grupo ng mga taludtod
  • Mga uri ng tula
    • Tulang Liriko
    • Tulang Pasalaysay
    • Tulang Padula
    • Tulang patnigan
  • Tulang Liriko - Nagsasaad ng matinding damdamin ng manunulat
  • Uri ng tulang liriko
    • Elehiya
    • Oda
    • Dalit
    • Awit
  • Elehiya - Panimdim sa minamahal na namatay
  • Oda - Tula ng papuri sa pangkaraniwang tao o bagay
  • Awit - Tulang may tono
  • Dalit - Tulang papuri sa Diyos
  • Tulang Pasalaysay - Nagsasalaysay ng buhay
  • Tulang Padula - Isinasadula sa tanghalan. Ang mga tauhang gumaganap ay naguusap patula.
  • Tulang Patnigan - Tulang naglalaman ng pangangatwirang may mahusay na pagpatnig-patnig
  • Uri ng Tulang Patnigan
    • Karagatan
    • Duplo
    • Balagtasan
  • Patanghal - Isinasadula sa entablado.
  • Pat Villafuerte - Ang panitikan ay tulay sa pagkakaunawaan ng mga lahi sa mundo. Ito ang nagsisilbing daan upang makilala at maunawaan ang pagkakaiba-iba at pagkakapare-pareho ng mga paniniwala, gawi, kultura at tradisyon ng mundo.
  • Mitolohiya - Nangangahulugang agham o pagaaral ng mga mito/myth at alamat.
  • Mitolohiya - Kwentong naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba ng mga sinaunang tao
  • Ang salitang Mito o Myth ay galing sa Latin word na Mythos
  • Ang Latin word na Mythos ay galing sa Greek word na Muthos
  • Muthos - Kwento
  • Ang muthos ay halaw sa mu na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig
  • Myth o Mito - Kumakatawan sa marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao.
  • Maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
  • Balita - isang pagsasabi ng impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring naganap.
  • Talambuhay - o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon.