Aralin 2: Gamit ng Wika

Cards (20)

  • Halliday (2003)
    Ayon sa kaniya, ang pag-unlad ng wika ay dumaraan sa tatlong antas.
  • Tatlong antas ng pag-unlad ng wika
    • Antas protowika
    • Antas transisyonal
    • Antas ng maunlad na wika
  • Antas protowika
    • May mensaheng dapat maipaunawa ang tao sa kaniyang kapwa
    • Gumagamit ng kilos upang maiparating ang mensahe
    • Nalilinang ang unang apat na gamit ng wika
    • Halimbawa: Kapag ang isang sanggol ay nagugutom, nadudumi, naiihi, o naiinitan, kailangan niya itong maipaintindi sa kanyang tagapag-alaga o sa sinumang kasama niya dahil hindi pa niya kayang kumilos mag-isa upang makuha ang kailangan.
  • Apat na gamit ng wika sa antas protowika
    • Instrumental
    • Regulatori
    • Interaksiyonal
    • Personal
  • Instrumental
    • "Gusto ko"
    • Nagpapahayag ng mga pangangailangan o kagustuhan ng isang batang dapat matugunan
  • Regulatori
    • "Gawin mo ang sinabi ko sa iyo"
    • Pagpapahayag ng mensahe na tila kumokontrol sa kilos ng iba
  • Interaksiyonal
    • "Ako at ikaw"
    • Gamit ng sanggol upang lumikha ng ugnayan sa ibang tao o patibayin ang relasyong mayroon sila.
  • Personal
    • "Narito na ako"
    • Ginagamit ng bata ang wika upang ipakilala kung sino siya
  • Ang unang apat na gamit ng wika ay kinakailangan ng isang lumalaking sanggol upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal
  • Antas transisyonal
    • Dahil hindi sapat ang protowika, dama ng bata na dapat siyang magsalita upang mas malinaw niyang masabi ang kaniyang naiisip o nararamdaman.
    • Nakagagamit na siya ng mga simpleng salitang may lohikal na ayos gaya ng pagsasabing “Kain ako” upang malaman ng mga tao sa paligid niya na siya ay nagugutom.
  • Wikang leksikogramatiko
    Pagsasama ng mga salita at ng pagiging malay sa tamang ayos bagama't putol-putol o paunti-unti ang mga ito.
  • Gamit ng wika sa Antas Transisyonal
    • Heuristiko
    • Imahinatibo
    • Representasyonal o Impormatibo
  • Heuristiko
    • “Sabihin mo sa akin kung bakit”
    • Ang paggamit ng bata sa wika upang pag-aralan ang kapaligirang ginagalawan at maintindihan ang realidad.
  • Imahinatibo
    • “Kunwari…”
    • Ang paggamit naman sa wika upang lumikha ng isang mundong kathang-isip, lalo pa at hindi pa hustong matigulang ang isip ng bata upang maintindihan ang siyensiya sa kapaligirang kanyang ginagawalan; na ito ay kongkreto dahil sa pisika.
  • Representasyonal o Impormatibo
    • Ang huling gamit ng wika at siyang pinakamalapit sa wika ng matanda dahil sa taas ng talinong hinihingi nito.
    • “May sasabihin ako sa iyo”
    • Nakapagpapahayag ng impormasyon ang isang bata at nakapagpapakita ng kakayahang manindigan dahil pinanghahawakan niyang totoo ang kanyang sinasabi
  • Antas ng Maunlad na Wika
    • Nakagagamit na siya ng buo-buong pangungusap at nakapagdidiskurso nang tuloy-tuloy
    • Dire-diretso nang nakapagsasalita ang isang tao gamit ang kanyang unang wika. Nakabubuo na ng mahahabang pangungusap o ng tuloy-tuloy na diskurso
  • Kinasasangkapan ng bata ang unang apat na gamit ng wika upang tugunan ang kanyang pangangailangang pisikal, emosyonal, at sosyal samantalang ang huling tatlo ay para sa pagtataguyod ng relasyon sa kanyang kapaligiran
  • 7 Gamit ng Wika (INS, R, INT, P, H, IMA, ROI)
    1. Instrumental - "Gusto ko"
    2. Regulatori - "Gawin mo ang sinabi ko sa iyo"
    3. Interaksiyonal - "Ako at ikaw"
    4. Personal - "Narito na ako"
    5. Heuristiko - "Sabihin mo sa akin kung bakit"
    6. Imahinatibo - "Kunwari"
    7. Representasyunal o Impormatibo - "May sasabihin ako sa iyo"
  • Tukuyin kung ang sumusunod na mga gamit ng wika ay nakapaloob sa pisikal, emosyonal, o sosyal na pangangailangan ng isang bata:
    1. Instrumental = emosyonal
    2. Regulatori = pisikal
    3. Interaksiyonal = emosyonal
    4. Personal = sosyal
  • Dila
    Aparatong pangwika