L2: Akademikong Papel

Cards (37)

  • Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
    • Katotohanan
    • Balanse
    • Ebidensya
  • Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
    • Wasto
    • Eksplisit
    • Tumpak
    • Pormal
    • Obhetibo
    • Responsable
    • Kompleks
  • Kompleks
    mas madali ang magsalita kaysa sumulat. Lantad sa pagsusulat ang kahingian ng tamang baybay, gramatika, at tamang paggamit ng wika
  • Pormal
    tumutukoy sa ginagamit na antas ng wika sa akademikong sulatin
  • Tumpak
    maingat at walang labis at kulang sa paglalahad ng mga datos, bilang, larawan, etc.
  • Obhetibo
    maliban sa mga personal na sulating akademiko, ang akademikong pagsulat ay nakatuon sa impormasyong ilalahad at argumentong nais panindigan batay sa katotohan
  • Eksplisit
    ang kaugnayan ng bawat teksto sa isa’t isa. Ginagamitan ng hudyat na salita o signal words upang ipakita ang ugnayan ng mga teksto
  • Wasto
    maingat ang gamit ng wika. Pawang may angkop na kahulugan at gamit ng wika
  • Responsable
    ang manunulat ay maingat sa paglalahad at may tamang pagbanggit sa mga sanggunian
  • Mga Dagdag na Katangian ng Akademikong Sulatin
    • malinaw na layunin
    • malinaw na pananaw
    • may pokus
    • lohikal na organisasyon
    • matibay na suporta
    • malinaw at kumpletong eksplanasyon
    • epektibong pananaliksik
    • iskolarling estilo sa pagsulat
  • Layunin ng Akademikong Pagsulat
    • mapanghikayat
    • mapanuri
    • impormatibo
  • Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat
    • ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa kahusayan ng wika
    • ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip
    • ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao
    • ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
  • Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
    • Replektibong Sanaysay
    • Sintesis
    • Posisyong Papel
    • Talumpati
    • Adyenda
    • Nakalarawang Sanaysay
    • Katitikang Pulong
    • Panukalang Proyekto
  • Replektibong Sanaysay
    Ito’y isang uri ng sanaysay ukol sa pagmumuni-muni sa karanasan ng sumulat nito. Naglalahad ng karanasan ng sumulat, kasama ang mga katotohanan ng kanyang karanasan at sumasagot sa sino, ano, saan, kailan, at paano
  • Sintesis
    Malaman at pinaikling bersyon ng pinagsama-samang mga ideya na may magkatulad at magkakaiba-ibang punto-de-bista mula sa iba-ibang sanggunian upang makabuo ng panibagong ideya
  • Posisyong Papel
    Naglalahad ng paninindigan, pagkiling o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isang isyu, ipinaliliwanag kung bakit mali ang kabilang panig, at kung ano ang magiging ganansiya sa pagpanig sa posisyon ng sumulat ng posisyong papel
  • Talumpati
    Isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa tagapakinig
  • Adyenda
    Listahan, plano, o mga balangkas ng paguusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong na nakasulat ng kronolohikal batay sa halaga nito sa mga indibidwal, organisasyon, o institusyong nagpupulong
  • Nakalarawang Sanaysay
    Anyo na karaniwang makikita sa mga magasin na nagtatampok ng mga retrato na bumubuo ng mensahe
  • Katitikan ng Pulong
    Opisyal na tala o record ng mahahalagang puntong pinagusapan sa pulong ng isang pangkat o samahan (group or organization).
  • Panukalang Proyekto
    Proyektong inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng ihahandang proyekto ng isang mag-aaral o pangkat ng mag-aaral, maaaring isang pananaliksik na may kaugnayan, humanidades (sining, malikhaing paggawa), o agham panlipunan (tulad ng kasaysayan o antropolohiya).
  • Akademikong Pagsulat
    Ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro, o mananaliksik.
  • Kompleks
    Pasulat na wika vs. pasalitang wika.
  • Pormal
    Hindi angkop ang mga balbal, kolokyal, ekspresyon.
  • Tumpak
    Paglalahad nang walang labis at walang kulang.
  • Obhetibo
    Mas pokus ang pagbibigay ng impormasyon.
  • Eksplisit
    May signaling words.
  • Wasto
    Baybay at talasalitaan.
  • Responsable
    Sa ano mang patunay at pinaghanguan ng impormasyon.
  • Malinaw na Layunin
    Matugunan ang mga tanong kaugnay ng paksa.
  • Malinaw na Pananaw
    Sariling punto de bista ng manunulat.
  • May Pokus
    Kaugnayan sa tesis na pahayag.
  • Lohikal na Organisasyon
    Introduksyon, nilalaman, kongklusyon.
  • Matibay na Suporta
    Facts, figures, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto, siniping pahayag o quotations.
  • Epektibong Pananaliksik
    Napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan.
  • Iskolarling Estilo at Pagsulat
    Malinaw ngunit maikli, iniiwasan ang pagkakamali sa grammar.
  • ANYO
    Reaksyong papel
    Pamanahong papel
    ➔ Sintesis
    Buod
    Abstrak
    ➔ Talumpati
    Rebyu
    ➔ Replektibong sanaysay
    ➔ Posisyong-papel
    Lakbay-sanaysay
    Pictorial essay
    Bionote