mas madali ang magsalita kaysa sumulat. Lantad sa pagsusulat ang kahingian ng tamang baybay, gramatika, at tamang paggamit ng wika
Pormal
tumutukoy sa ginagamit na antas ng wika sa akademikong sulatin
Tumpak
maingat at walang labis at kulang sa paglalahad ng mga datos, bilang, larawan, etc.
Obhetibo
maliban sa mga personal na sulating akademiko, ang akademikong pagsulat ay nakatuon sa impormasyong ilalahad at argumentong nais panindigan batay sa katotohan
Eksplisit
ang kaugnayan ng bawat teksto sa isa’t isa. Ginagamitan ng hudyat na salita o signal words upang ipakita ang ugnayan ng mga teksto
Wasto
maingat ang gamit ng wika. Pawang may angkop na kahulugan at gamit ng wika
Responsable
ang manunulat ay maingat sa paglalahad at may tamang pagbanggit sa mga sanggunian
Mga Dagdag na Katangian ng Akademikong Sulatin
malinaw na layunin
malinaw na pananaw
may pokus
lohikal na organisasyon
matibay na suporta
malinaw at kumpletongeksplanasyon
epektibongpananaliksik
iskolarlingestilo sa pagsulat
Layunin ng Akademikong Pagsulat
mapanghikayat
mapanuri
impormatibo
Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat
ang akademikong pagsulat ay lumilinang sa kahusayan ng wika
ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuringpag-iisip
ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagangpantao
ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
ReplektibongSanaysay
Sintesis
Posisyong Papel
Talumpati
Adyenda
Nakalarawang Sanaysay
Katitikang Pulong
Panukalang Proyekto
Replektibong Sanaysay
Ito’y isang uri ng sanaysay ukol sa pagmumuni-muni sa karanasan ng sumulat nito. Naglalahad ng karanasan ng sumulat, kasama ang mga katotohanan ng kanyang karanasan at sumasagot sa sino, ano, saan, kailan, at paano
Sintesis
Malaman at pinaikling bersyon ng pinagsama-samang mga ideya na may magkatulad at magkakaiba-ibang punto-de-bista mula sa iba-ibang sanggunian upang makabuo ng panibagong ideya
Posisyong Papel
Naglalahad ng paninindigan, pagkiling o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isang isyu, ipinaliliwanag kung bakit mali ang kabilang panig, at kung ano ang magiging ganansiya sa pagpanig sa posisyon ng sumulat ng posisyong papel
Talumpati
Isang pormal na pahayag sa harap ng publiko at pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa tagapakinig
Adyenda
Listahan, plano, o mga balangkas ng paguusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang pulong na nakasulat ng kronolohikal batay sa halaga nito sa mga indibidwal, organisasyon, o institusyong nagpupulong
Nakalarawang Sanaysay
Anyo na karaniwang makikita sa mga magasin na nagtatampok ng mga retrato na bumubuo ng mensahe
Katitikan ng Pulong
Opisyal na tala o record ng mahahalagang puntong pinagusapan sa pulong ng isang pangkat o samahan (group or organization).
Panukalang Proyekto
Proyektong inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng ihahandang proyekto ng isang mag-aaral o pangkat ng mag-aaral, maaaring isang pananaliksik na may kaugnayan, humanidades (sining, malikhaing paggawa), o agham panlipunan (tulad ng kasaysayan o antropolohiya).
AkademikongPagsulat
Ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro, o mananaliksik.
Kompleks
Pasulat na wika vs. pasalitang wika.
Pormal
Hindi angkop ang mga balbal, kolokyal, ekspresyon.
Tumpak
Paglalahad nang walang labis at walang kulang.
Obhetibo
Mas pokus ang pagbibigay ng impormasyon.
Eksplisit
May signaling words.
Wasto
Baybay at talasalitaan.
Responsable
Sa ano mang patunay at pinaghanguan ng impormasyon.
Malinaw na Layunin
Matugunan ang mga tanong kaugnay ng paksa.
Malinaw na Pananaw
Sariling punto de bista ng manunulat.
MayPokus
Kaugnayan sa tesis na pahayag.
Lohikal na Organisasyon
Introduksyon, nilalaman, kongklusyon.
Matibay na Suporta
Facts, figures, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto, siniping pahayag o quotations.
EpektibongPananaliksik
Napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan.
Iskolarling Estilo at Pagsulat
Malinaw ngunit maikli, iniiwasan ang pagkakamali sa grammar.