Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan
XING AT JIN, 1989 (sa bernales et al., nuong 2006)
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento
KELLER, 1985 (sa bernales et al., nuong 2006)
Ang pagsulat ay isang Isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito
BERNALES ET AL., 2017
Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.
BADAYOS, 2000
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man, subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan ang wasto at epektibong pagsulat.
PECK AT BUCKINGHAM (sa bernales et al., 2006)
Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa
Mga Pananaw sa Pagsulat
Sosyo-kognitibongpananaw
Multi-dimensyonal na proseso
SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW
“Sosyo” = lipunan, “kognitibo” = pag-iisip
Paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat
Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti
INTRAPERSONAL: Ang pakikipag-usap sa sarili
INTERPERSONAL: Pakikipag-usap sa mambabasa
MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
Oral na dimensyon
Biswal na dimensyon
ORAL NA DIMENSYON
Ang pagsulat ay isang paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa
Kung ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong sinulatAng isang akda ay ekstensyon lamang ng pagkatao
Ang isang akda ay ekstensyon lamang ng pagkatao ng manunulat na iyon
BISWAL NA DIMENSYON
Nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo
Mga Layunin sa Pagsulat
Ekspresibonglayunin
Transaksyonal na layunin
Mga uri ng layunin
Impormatibo
Mapanghikayat
Malikhain
EKSPRESIBONG LAYUNIN
● Kung ang pagsulat ay ginagamit sa personal na gawain
● Pagpapahayag ng iniisip o nadarama
TRANSAKSYONAL NA LAYUNIN
● Kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning lipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan
IMPORMATIBONG PAGSULAT
● Expositorywriting
● Nagbibigay ng impormasyon at mga paliwanag
● Ang pokus ay ang mismong paksang tinatalakay
MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
● Persuasivewriting
● May layuning kumbinsihin ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon, o paniniwala
● Ang pokus ay ang mambabasa
● HALIMBAWA:
○ Panukulangproyekto
○ Konseptongpapel
○ Editoryal
○ Sanaysay
○ Talumpati
○ Kolum
MALIKHAING PAGSULAT
● Ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan
● Kadalasang layunin ay magpahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin, o kumbinasyon ng mga ito
● Ang pokus ay ang manunulat mismo
● HALIMBAWA:
○ Nobela
○ Tula
○ Dula
○ Dagli
○ Maiklingkwento
○ Alamat
“Ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal” —Arrogante, 2000
Proseso ng Pagsulat
Pre-writing
Actual writing
Rewriting
Output
PRE-WRITING
● Pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat
ACTUALWRITING
● Ikalawang hakbang
● Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat
REWRITING
● Ikatlong hakbang
● Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabularyo, at pagkakasunodsunod ng mga ideya o lohika
Mga Uri ng Pagsulat
Akademiko
Teknikal
Journalistic
Reperensyal
Propesyonal
Malikhain
AKADEMIKO
● Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat
● Pagsulat sa akademya
● HALIMBAWA:
○ Kritikal na sanaysay
○ Tesis o disertasyon
○ Pamanahongpapel
TEKNIKAL
● Espesyalisadong uri ng pagsulat
● Tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa
● Pabibigay solusyon sa isang komplikadong sulranin
● Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya
● HALIMBAWA:
○ Feasibilitystudy
○ Business correspondence reports
○ Laboratory reports
REPERENSYAL
● Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa
● HALIMBAWA:
○ Bibliograpi
○ Indeks
○ Note cards
○ talababa
PROPESYONAL
● Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
● Pinag-aaralan ng isang tiyak na kurso o propesyon