L1: Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Cards (28)

  • BERNALES ET AL., 2017
    Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan
  • XING AT JIN, 1989 (sa bernales et al., nuong 2006)
    Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento
  • KELLER, 1985 (sa bernales et al., nuong 2006)
    Ang pagsulat ay isang Isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito
  • BERNALES ET AL., 2017
    Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.
  • BADAYOS, 2000
    Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man, subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan ang wasto at epektibong pagsulat.
  • PECK AT BUCKINGHAM (sa bernales et al., 2006)
    Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa
  • Mga Pananaw sa Pagsulat
    • Sosyo-kognitibong pananaw
    • Multi-dimensyonal na proseso
  • SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW
    • “Sosyo” = lipunan, “kognitibo” = pag-iisip
    • Paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat
    • Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti
    • INTRAPERSONAL: Ang pakikipag-usap sa sarili
    • INTERPERSONAL: Pakikipag-usap sa mambabasa
  • MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
    • Oral na dimensyon
    • Biswal na dimensyon
  • ORAL NA DIMENSYON
    • Ang pagsulat ay isang paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa
    • Kung ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong sinulatAng isang akda ay ekstensyon lamang ng pagkatao
    • Ang isang akda ay ekstensyon lamang ng pagkatao ng manunulat na iyon
  • BISWAL NA DIMENSYON
    • Nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo
  • Mga Layunin sa Pagsulat
    • Ekspresibong layunin
    • Transaksyonal na layunin
    • Mga uri ng layunin
    • Impormatibo
    • Mapanghikayat
    • Malikhain
  • EKSPRESIBONG LAYUNIN
    ● Kung ang pagsulat ay ginagamit sa personal na gawain
    ● Pagpapahayag ng iniisip o nadarama
  • TRANSAKSYONAL NA LAYUNIN
    ● Kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning lipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan
  • IMPORMATIBONG PAGSULAT
    Expository writing
    ● Nagbibigay ng impormasyon at mga paliwanag
    ● Ang pokus ay ang mismong paksang tinatalakay
  • MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT
    Persuasive writing
    ● May layuning kumbinsihin ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon, o paniniwala
    ● Ang pokus ay ang mambabasa
    ● HALIMBAWA:
    Panukulang proyekto
    Konseptong papel
    Editoryal
    Sanaysay
    Talumpati
    Kolum
  • MALIKHAING PAGSULAT
    ● Ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan
    ● Kadalasang layunin ay magpahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin, o kumbinasyon ng mga ito
    ● Ang pokus ay ang manunulat mismo
    ● HALIMBAWA:
    Nobela
    Tula
    Dula
    Dagli
    Maikling kwento
    Alamat
  • “Ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal” —Arrogante, 2000
  • Proseso ng Pagsulat
    1. Pre-writing
    2. Actual writing
    3. Rewriting
    4. Output
  • PRE-WRITING
    ● Pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat
  • ACTUAL WRITING
    ● Ikalawang hakbang
    ● Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat
  • REWRITING
    ● Ikatlong hakbang
    ● Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabularyo, at pagkakasunodsunod ng mga ideya o lohika
  • Mga Uri ng Pagsulat
    • Akademiko
    • Teknikal
    • Journalistic
    • Reperensyal
    • Propesyonal
    • Malikhain
  • AKADEMIKO
    ● Itinuturing na isang intelektwal na pagsulat
    ● Pagsulat sa akademya
    ● HALIMBAWA:
    Kritikal na sanaysay
    Tesis o disertasyon
    Pamanahong papel
  • TEKNIKAL
    ● Espesyalisadong uri ng pagsulat
    ● Tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa
    ● Pabibigay solusyon sa isang komplikadong sulranin
    ● Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya
    ● HALIMBAWA:
    Feasibility study
    ○ Business correspondence reports
    ○ Laboratory reports
  • REPERENSYAL
    ● Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa
    ● HALIMBAWA:
    Bibliograpi
    Indeks
    Note cards
    talababa
  • PROPESYONAL
    ● Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon
    ● Pinag-aaralan ng isang tiyak na kurso o propesyon
    ● HALIMBAWA:
    Reseta
    Patient’s journal
    Briefs at pleadings
  • MALIKHAIN
    piksyonal/di-piksyonal
    ● Pokus ang imahinasyon ng manunulat
    ● Uri ng apgsulat sa larangan ng literatura
    ● HALIMBAWA:
    Dula
    Nobela
    Tula
    Dagli
    Maikling kwento