L3: Replektibong Sanaysay

Cards (9)

  • Replektibong Sanaysay
    ● Tinatawag ding repleksyong papel (reflective paper o contemplative paper)
    ● Isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.
    ● Maaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin sa isang lektyur o karanasan tulad ng
    Internship
    Volunteer experience
    Retreat
    Recollection
    Educational tour
    Hindi ito dyornal o diary
    Impormal na sanaysay na may introduksyon, katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng mga iniisip at/o dinarama, at kongklusyon
    ● Kadalasang gumagamit ng unang panauhan (ako, tayo, kami).
  • Replektibong Sanaysay (Bernales & Bernadino, 2013)

    Naglalaman ng mga reaksyon, damdamin, at pagsusuri ng isa ang karanasan sa napakapersonal na paraaan, kaiba sa paraan ng pananaliksik o mapanuring sanaysay.
  • TALA NG MGA KAALAMAN AT KAMALAYAN
    IDEYA MULA SA LABASINTERNAL NA PANG-UNA AT INTERPRETASYON
  • TIPS SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    1. MGA INIISIP AT REAKSYON: Tukuyin ang mga ispesipikong bahagi ng binasa o karansang naging inspirasyon ng damdamin.BUOD
    2. BUOD: Malayang daloy ng mga ideya at iniisip.ORGANISASYON
    3. ORGANISASYON: May introduksyon, katawan, at kongklusyon.
  • GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    [1] Bigyang-pansin ang panahon sa saklaw ng repleksyon.
  • GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    [2] Mula sa saklaw na panahon, maaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga sumusunod:
    [a] Librong katatapos lamang basahin
    [b] Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
    [c] Pagsali sa isang pansibikong gawain
    [d] Partikum tungkol sa isang kurso
    [e] Paglalakabay sa isang tiyak na lugar
    [f] Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
    [g] Isyu tungkol sa mga pinag-aawayan sa West Philippines Sea
    [h] Paglutas sa isang mabigat na suliranin
    [i] Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
    [j] At marami pang iba
  • GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    [3] Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyong papel
    [4] Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong papel, inaasahang hindi na magpapaligoy-ligoy pa. Maari naman maglaro sa anyo upang magkaron ng sariling estilo
    [5] Maaring gumamint ng wikang pormal o kombersastonal. Basta tiyaking malinaw kung ano ang mga puntong pagmumulan ng repleksyon at
    masusuportahan ito ng mga kongkretong paliwanag.
  • GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    [6] Maaring simple lang ang wika at nagpapatawa o magaan ang tono, pero hindi nangangahuluhang hindi ito magiging seryoso.
    [7] Malaking tulong din ang pagbibigay ng mga halimbawa o aplikasyon ng mga konseptong natutuhan sa klase. Dito papasok ang kaalaman sa context o intertext. Dapat may maibigay na halimbawa na hindi natalakay sa klase.
    [8] Hindi maaring balewalain ang mga tuntunin sa gramatika, wastong baybay at pagbabantas lalo na kung ito ay isang rekwayrment sa kurso sa wika.
  • GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKSYONG PAPEL
    [9] Ipaloob ang sarili sa micro o macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinatalakay sa papel.
    [10] Siguraduhing mababanggit sa papel ang mga naging sanggunian
    [11] Magpasa sa tamang lugar at tamang oras
    [12] Maaring maglagay ng pamagat na angkop sa sulatin