Kasaysayan ng pagkabuo ng pambansang wika lesson 2

Cards (20)

    • Pebrero 8, 1935 - pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935.
    • Oktubre 27, 1936 - ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng
    Surian ng Wikang Pambansa.
    • Nobyembre 13, 1936 - pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
    • Enero 12, 1937 - hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.
    • Nobyembre 7, 1937 - inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika.
    • Disyembre 30, 1937 - lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang
    Wika ng Pilipinas.
  • •Abril 1, 1940 - inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:
    1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ngWikang Pambansa.
    2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan.
  • Panahon ng Pananakop ng mga Hapon
    • Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na "purista." Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
    • Nang panahong iyon, Nipongo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika.
    • Hunyo 4, 1946 - ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.
    • Marso 6, 1954 - nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.
    • Setyembre 1955 - sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni
    Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa."
  •  1959 - inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang "kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino."
    • Oktubre 24, 1967 - nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino.
    • 1970 - naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70.
    • Marso 12, 1987 - sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
  • Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
    • Tagalog - katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
    • Pilipino - unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
    • Filipino - kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
  • Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang
    Filipino ay:
    • ang wikang pambansa ng Pilipinas;
    • dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at
    • dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang:
    1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at
    2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.