Akademikong pagsulat

Cards (35)

  • Akademikong Pagsulat
    • ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan.
    • may katangian itong pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may kalinawan.
  • Pagsulat
    ayon kay Mabelin (2012), ang pagsulat ay isang
    pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng bumabasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin sa bawat panahon.
  • Dalawang Layunin ng Pagsulat
    • Personal o Ekspresibo
    • Panlipunan o Pansosyal
    1. Personal o Ekspresibo - ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
    Halimbawa: sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.
  • 2. Panlipunan o Pansosyal - ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunan na ginagalawan.
    Hal: liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
  • Mga Gamit o pangangailangan sa Pagsulat
    • Wika
    • Paksa
    • Layunin
    • Pamaraan ng Pagsulat
    • Kasanayang Pampag-iisip
    • Kaalaman sa Wastong Pamaraan sa Pagsulat
    • Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
  • Wika nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
  • 2. Paksa - ay ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito ay iikot ang buong sulatin.
  • 3. Layunin - nagsisilbing gabay sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng isinusulat.
  • 4. Pamamaraan ng Pagsulat
    1. Paraang Impormatibo - magbigay impormasyon o kabatiran.
    B. Paraang Ekspresibo - nagbibigay ng sariling opinyon o paniniwala.
    C. Paraang Naratibo - layunin nitong magkwento o magsalaysay.
    D. Paraang Deskriptibo - maglarawan ng isang bagay.
    E. Paraang Argumentatibo - layunin nitong mangumbinsi.
  • 5. Kasanayang Pampag-iisip - ito ay ang kakayahang mag-analisa o mag-isip. Kailangang makatuwiran ang paghatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obetibo sa susulating ilalahad.
  • 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan sa Pagsulat - dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.
  • 7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin - ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obetibo, at masining na pamamaraan ng isang komposisyon.
  • ·         Akademiko - nagmula sa salitang Europeyo
    ·         (Frances) "academique" na may kaugnayan sa
    edukasyon, institusiyon at pag-aaral.
  • Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
    • Obhetibo
    • Pormal
    • Maliwanag at Organisado
    • May paninindigan
    • May pananagutan
  • Pormal - iwasan ang paggamit ng kolokyal at balbal
  • Maliwanag at Organisado - sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisadong mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.
  • 2. May Paninindigan - mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan hanggang sa matapos ang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa
    • 3. May Pananagutan ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian.
  • Malikhaing Pagsulat
    Ø  Pangunahing layunin nito ay maghatid ng aliw,
    makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
    Hal: komiks, dula, nobela, maikling kuwento
    Teknikal na Pagsulat
    Ø  Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
    naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin
    Hal. Feasibility study
     
  • Propesyonal na Pagsulat
    Ø  Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa
    tiyak na larangang natutuhan sa paaralan lalo na sa paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
    Hal. Lesson plan, Police report, Narrative report, Medical report
  • Dyornalistik na Pagsulat
    Ø  Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa
    pamamahayag.
    Ø  Maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo,
    obhetibo at makabuluhang mga balita
  • Reperensyal na Pagsulat
    Ø  Mabigyang kilala ang mga pinagkunang kaalaman o i
    mpormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.
    Hal. RRL
  • Akademikong Pagsulat
    Ø  Intelektuwal na Pagsulat
    Ø  ang gawaing ito ay naktutulong sa pagpapataas ng
    kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang.
  • Abstrak
    Ø  isang buod ng pananaliksik, artikulo, tesis,
    disertasyon, rebyu, proceedings, at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina.
    Ø  matatagpuan ito sa simula ng manuskrito at tinuturing
    na may sapat nang impormasyon upang tumayo sa sarili.
    Ø  naglalaman ng masalimuot na datos sa pananaliksik.
    Ø  nagsasaad ng pangunahing metodolohiya at resulta
    ng pag-aaral.
    Ø  karaniwang binubuo ng paksang pangungusap o isa
    hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi.
    Ø  magpabatid, mang-aliw, manghikayat
  • Eelemento - (Philip Koopman, 1997):
  • Elemento
    • Pamagat
    • Introduksyon o Panimula
    • Metodolohiya
    • Resulta
    • Konklusyon
  • Dalawang uri ng Abstrak
    • Impormatibo
    • Deskriptibo
  • Impormatibo - nagpapahayag, kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta, konklusyon ng papel. Karaniwang ginagamit sa agham, at inhenyera, o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
  • Deskriptibo - naglalarawan, kaligiran, layunin, tuon ng papel. Karaniwang ginagamit sa mga papel sa humanidades, agham panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya.
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak:
    1. Pag-aralan ang Sulatin
    2. Tukuyin ang Pangunahing Kaisipan
    3. Buuin ang Abstrak
    4. Iwasan ang Visuals
    5. Suriin ang Abstrak
    6. Isulat ang pinal na sipi nito
  • Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak:
    1. Binubuo ng 200-250 na salita
    2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
    3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
    4. Nauunawaan ng target na mambabasa
  • Sintesis/Buod
    Ø  isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga
    akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
    Ø  iIsang talata o higit pa o maging ng ilang
    pangungusap lamang.
    Ø  naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa
    diwa ng seleksiyon o akda.
  • MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINTESIS O BUOD
    1.     Gumamit ng Ikatlong Panauhan
    2.     Tono ng Pagkakasulat
    3.     Pangunahing Tauhan at Gampanin
    4.     Pang-ugnay sa mga Pangyayari
    5.     Gramatika at Pagbabaybay
    6.     Sanggunian
  • MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS
    1.     Basahin at Unawain ang Akda
    2.     Suriin ang Kaisipan
    3.     Mag-Tala at Magbalangkas
    4.     Isulat sa Sariling Pangungusap
    5.     Ihanay ang Ideya
    6.     Suriin at Paikliin