Aralin 1: Wika at Katangian ng Wika

Cards (18)

  • Wika
    Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
  • Ang wika ay buhay ng tao
  • Mga gamit ng wika
    • Pagpapahayag ng saloobin
    • Impormasyong nais sabihin sa iba
    • Pagtutol / reklamo
    • Damdaming nais ipagtapat
    • Pagbuo ng batas / pagpapatupad
    • Pakikipagkalakalan
    • Medisina
    • Edukasyon
  • Ang wika ay pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan
  • Henry Gleason: 'Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.'
  • Bernales et al., 2002: 'Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.'
  • Mangahis et al., 2005: 'May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan, ginagamit itong midyum upang maihatid at matanggap nang maayos ang mensahe na susi sa pagkakaunawaan.'
  • Constantino at Zafra, 2000: 'Isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.'
  • Bienvenido Lumbera, 2007: 'Parang hininga ang wika, ginagamit natin ito upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.'
  • Kahalagahan ng Wika
    • Midyum sa pakikipagtalastasan
    • Malinaw at epektibong pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
    • Sumasalamin sa kultura at panahon
    • Mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman
  • Buong Kahulugan ng Wika ayon kay Henry Gleason
    Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
  • Katangian ng Wika ayon kay Gleason
    • Masistemang Balangkas
    • Sinasalitang Tunog
    • Pinipili at Isinasaayos
    • Arbitraryo
    • Nagbabago
    • Nakabatay sa Kultura
  • Masistemang Balangkas
    Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap dahil sa sistematikong pamamaraan ng pagsasaayos ng mga titik at salita.
  • Sinasalitang Tunog
    Ang wika ay sinasalita rin at mayroong tunog na nabubuo.
  • Pinipili at Isinasaayos
    Kailangang pumili ng parehong wika upang magkaintindihan.
  • Arbitraryo
    Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar.
  • Nagbabago
    Ang wika ay buhay at dinamiko.
  • Nakabatay sa Kultura
    Ginagamit ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o pamayanan.