Save
Grade 11
Komunikasyon at Pananaliksik
Aralin 4: Barayti ng Wika
Save
Share
Learn
Content
Leaderboard
Share
Learn
Created by
Rommel Andrei Ga
Visit profile
Cards (26)
Ang pagkakaiba ng uri ng lipunan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian, at uri ng pangkat etniko ay
sanhi ng iba’t ibang barayti ng wika
View source
Mga Barayti ng Wika
Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Jargon
Etnolek
Register
Ekolek
Pidgin
Creole
View source
Dayalek
Barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
View source
Dayalek
“pakiurong nga po ang plato” (Bulacan – hugasan)
“pakiurong nga po ang plato” (Maynila – iusog)
View source
Idyolek
Pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa pagsasalita
View source
Idyolek
Tagalog – Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Bataan – Bakit ah?
Idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang magkakatugma
Idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan
Idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey! Darla!
View source
Sosyolek
Nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa
View source
Sosyolek
Wika ng mag-aaral – “OMG! Nakatabi ko kanina sa chem class ang crush ko! Tapos nakasabay ko pa siya sa cafeteria!”
Wika ng matanda – “Ano ika mo, wala pa ang tatay niyo diyan? Aba at saan na naman napunta ang damuhong iyon? Malilintikan yaon sa akin”
View source
Iba’t Ibang Uri ng Sosyolek
Gay Lingo
Coño
Jejemon
View source
Gay Lingo
Wika ng mga kabilang sa LGBTQ+ or third sex
View source
Gay Lingo
“Wit ko knows!”
“Bet ko yung bagong classmate mo.”
“Ingat ka. Jiritang jirita si madam today!”
“Look at her new bag. Shala talaga ni madam.”
“Ang chaka naman ng pinili mo, ‘teh.”
“Shugal naman ng fooda. Gutom na ako.”
View source
Coño
Baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino
View source
Coño
“Like, it’s so init naman!”
“Let’s make pasok na to our class!”
“Eh as if you want naman also, diba?”
“I don’t like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it’s like, so eew, diba?”
“My bag is so bigat today, you know”
View source
Jejemon
Nakasulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik
View source
Jargon
Tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon
View source
Jargon
abogado
– exhibit, appeal, complainant
guro
– lesson plan, class record, Form 138
pulisya
– code 8, suspect, code 11, wolf pack
medical
– anti-depressant, rhinitis, idiopathic
accounting
– debit, credit, asset, audit
View source
Etnolek
Barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo
View source
Etnolek
Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan
Bulanon – full moon
Kalipay – tuwa o ligaya
Shuwa – dalawa
Laylaydek Sika – salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
View source
Register
Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap
View source
Register
Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay
Paggamit ng ‘di pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at liham-pangkaibigan
View source
Ekolek
Barayti ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay
View source
Ekolek
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
Lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
palikuran – banyo o kubeta
silid-tulugan o pahingahan – kuwarto
pamingganan – lagayan ng plato
View source
Pidgin
Bagong wika na bunga ng pag-uusap ng dalawang taong may magkaibang unang wika
View source
Pidgin
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)
View source
Creole
Wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin
View source
Creole
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Buenas tardes – magandang hapon
Buenas noches – Magandang gabi
View source