Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya

Cards (34)

  • Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay malaking hamon sa isang pamilya sa pagtuturo ng mga pagpapahalaga at pagsasakatuparan ng kanilang natatangiang misyon
  • Ang madalas na pangungumusta ng magulang sa anak ay nagpapakita ng bukas na komunikasyon
  • Ang bukas na komunikasyon ay nagsisilbing pundasyon sa relasyon sa pagitan ng kasapi ng pamilya
  • Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya ay napakahalagang bagay na dapat malinang
  • Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay maaaring magdudulot ng hindi pagkakaunawaan, pagkakaroon ng alitan o sama ng loob
  • Maraming mga bata na itinutuon na lamang ang oras sa ibang bagay dahil sa kawalan ng bukas na komunikasyon
  • Ang bukas na komunikasyon ay dapat malinang at nagsisimula sa tahanan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya
  • Mga uri ng komunikasyon umiiral sa pamilya
    • Consensual
    • Pluralistic
    • Protective
    • Laissez-Faire
  • Consensual
    Naghihikayat sa anak na magbahagi ng iniisip at nararamdaman ngunit sa huli ay desisyon pa rin ng magulang ang masusunod
  • Pluralistic
    Kumikilala sa pagkakaroon ng bukas na pag-uusap na walang panghihigpit
  • Protective
    Hindi pinapahalagahan ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap
  • Laissez-Faire
    Malaya ang mga miyembro ng pamilya na gumawa ng kanilang gusto
  • Karaniwang uri ng komunikasyon
    • Pasalita o pasulat
    • Di-pasalitang komunikasyon
    • Virtual
  • Pasalita o pasulat
    Gumagamit ng salita upang maipahayag ang iniisip o nararamdaman
  • Di-pasalitang komunikasyon
    Tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin o gusto sa pamamagitan ng ekspresyon ng mukha, senyas, at iba pang paraan
  • Virtual
    Tumutukoy sa anumang pagpapahayag na dumadaan sa midyum na makabagong teknolohiya
  • Mga antas ng komunikasyon
    • Intrapersonal
    • Interpersonal
    • Pampubliko
    • Pangmasa
    • Pangkultura
    • Pangkaunlaran
    • Organisasyonal
  • Intrapersonal
    Ang pinakamababang antas ng komunikasyon na nagaganap sa isang tao lamang
  • Interpersonal
    Pakikipag-usap sa ibang tao o pakikipagtalastasan sa iba’t ibang indibidwal
  • Pampubliko
    Pakikipag-usap sa maraming tao o nagaganap sa isang tagapagsalita at maraming tagapakinig
  • Pangmasa
    Pakikipag-usap na nagaganap sa pangkalahatan o malawakang media
  • Pangkultura
    Pakikipag-usap para maipahayag at mabigyan ng pagkilala ang isang bansa o lugar
  • Pangkaunlaran
    Pakikipag-usap na naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa
  • Organisasyonal
    Panghuling antas ng komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon
  • Mga angkop na kilos upang mapaunlad ang komunikasyong pampamilya
    • Pagiging matapat sa salita at sa gawa
    • Paninindigan sa paniniwala
    • Pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol
    • Pagpapakita ng respeto
    • Pag-ako ng responsibilidad
    • Pagpapakita ng malikhaing pag-iisip
    • Pag-aalala at pagmamalasakit
    • Malayang pagpapahayag o pagiging bukas
    • Pagiging masaya sa kaligayahan ng iba
  • Pagiging matapat sa salita at sa gawa

    Isa sa mga birtud na taglay ng isang tao ay maging tapat sa lahat ng panahon
  • Paninindigan sa paniniwala
    Natatangi sa isang pamilya na may paninindigan sa binibitiwang pahayag
  • Pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol
    Nagpamalas ng pantay na pagtingin o walang kinikilingang panig
  • Pagpapakita ng respeto
    Ang pagsasaalang-alang ng pagbibigay halaga sa ideya
  • Pag-ako ng responsibilidad
    Kahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang gawi
  • Pagpapakita ng malikhaing pag-iisip
    Nag-iisip ang isang tao ng ibang kaparaanan sa paglalahad ng ideya
  • Pag-aalala at pagmamalasakit
    Ipinakikita ang nararapat na kilos sa isang sitwasyon
  • Malayang pagpapahayag o pagiging bukas

    Ang pagiging bukas sa kanyang sariling saloobin ay nagpapakita ng matapang na pagtanggap sa opinyon
  • Pagiging masaya sa kaligayahan ng iba
    Ang kilos na ito ay magbibigay ng katiwasayan sa pamilya