Henry Gleason: '“Ang wika ay masistemang balangkas ng isang salitang tunog at pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakkikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.”'
Bernales et al. (2002): '“Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal.”'
Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008): '“Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.”'
Alfonso C. Santiago (2003): '“Ang Wika ay sumasalamin sa mga mithiin, lunggatin, pangarap, karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lipunan.”'
Whitehead: '“Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.”'