Maikling Kuwento- sangay ng salaysay na may isang kakintalan, may isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay, may isang pangunahing tauhan, maikling katha, at isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga pangyayari.
G. EDGAR ALLAN POE- Ama ng maikling kuwento, ipinanganak noong january 19, 1809
GINOONG O'HENRY- Mahusay na manunulat sa maikling kuwento.
Mitolohiya- ang mga tauhan ay mga diyos at diyosa.
Pabula- ang mga tauhan ay mga hayop.
Parabula- mga kuwentong hango sa bibliya.
Alamat- pinagmulan ng mga pook o bagay-bagay.
Kuwentong Bayan- mga kuwentong pinagsalin- salin sa dumadaan na henerasyon.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO: Tauhan, Tunggalian, Kasukdulan, Kakalasan, Katapusan, Paksang Diwa o Tema.
Tauhan- ang mga ito ang kumikilos at nagbibigay buhay sa kuwento.
Protagonista- siya ang bida sa kuwento.
Antagonista- siya ang kontra-bida sa kuwento.
Tauhang lapad- ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangian na madaling matukoy o predictable.
Tauhang bilog- isang tauhang may maraming saklaw ang personalidad.
Tunggalian- pakikipag sapalaran o 'conflict'.
MGA ANGKOP NG TUNGGALIAN: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa kalikasan, tao laban sa lipunan.
Kasukdulan- pinakamadulang bahagi, katuparan, kasawian, ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- nagpapakita ng unti-unting pababa ng kuwento.
Katapusan- ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento, pwede itong masaya man o malungkot.
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinagyarihan.
Paksang-diwa o Tema- kaisipang iniikutan ng maikling katha.
nakalalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na pangyayari.
Banghay
ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
saglit na kasiglahan
sa paksang ito, tinatalakay kung ano ang halimbawa ng istilo ng pagsulat at kahulugan nito.Nagbibigay buhay sa mga sulatin ng ating binabasa.
Estilo ng pagsulat
nagbibigay halaga o kasiningan. Maaaring piksiyon o di-piksiyonang akda. Gumagamit din ito ng iba't-ibang ekspresyon upag mapayabong ng ideyang nais itong ipahiwatig.
malikhain
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng mga pangyayari.
suliranin
ipinalalarawan ang tauhan, tagpuan, saglit na kasiglahan