ANG AMA

Cards (20)

  • Sino ang nagsalin ng kuwento sa pilipino?
    Mauro R. Avena
  • Ano ang ginagamit natin sa pagsusunod-sunod ng kuwento?
    pangatnig o transitional devices.
  • Batay sa maikling kuwento, mahihinuhang ang ama ay magiging?
    mabuti
  • Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinintay ng mga bata ang kanilang ama.Anim lahat ang mga bata. Ang dalwang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos,at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat. Tiyaking may parte rin ang mga maliliit, may dalwang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isan dos anyos na paslit pa.Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kalugawang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado.
    simula
  • ilan ang mga bata?
    anim
  • Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ng ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at naggugulpi ng kanilang ina. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padaog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makakainis sa ama.
    saglit na kasiglahan
  • Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kuwarto, kung saan itong nanatiling walang galaw-galaw.
    tunggalian
  • Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo.Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata. "Kaawa-awa kong anak! Kaawa-awa kong Mui Mui!"
    kasukdulan
  • Tinuyo ng nagdadalamhatig ama nag kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama.Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bit bit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate?Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Kinuha ito ang mga malakaing supot at muling lumabas ng bahay.
    kakalasan
  • Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa laamng ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita. "Pinakamahal kong anak, walang maiaalay saiyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
    kakalasan
  • Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isan piging na alam nilang 'di nila mararanasang muli.
    katapusan
  • Sino ang unang tauhan sa kuwento?
    Ang ama at si Mui Mui
  • ano ang tagpuan sa kuwento?
    Bahay
  • Isang karanasan na hindi malilimutan mula sa nakaraan/o isang taong mapang-abuso.
    alaala ng isang lasing na suntok sa bigbig
  • Isang taong maayos ang kanyang kalagayan/mapagbigay.
    Kaluwagang-palad
  • Dahilan ng ama upang saktan sila.
    umakit sa malaking kamay
  • kinakabahan o pagpapakita ng matinding pagkagalit.
    napangingilo sa nerbiyos
  • isang taong istrikto o hindi madaling pasayahin o aliwin.
    matigas ang loob
  • Lumabas ang matinding damdamin.
    bumulwak ang wagas na pagmamahal
  • Noong gabi umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasitante sa kaniyan trabaho sa lagarian.
    suliranin