NG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN

Cards (17)

  • Sino ang sumulat ng maikling kuwentong "Nang Minsang Naligaw Si Adrian"?
    Dr. Romulo N. Peralta
  • Bahagi ng maikling kuwentong makabanghay na ipinapakilala ang tauhan, tagpuan, saglit na kasiglahan.
    Simula
  • Ano ang pangunahing katangian ng isang kuwentong makabanghay?
    May pagkasunod-sunod na pangyayari
  • Ano ang pinakatamang pagpakahulugan sa pamagat ng kuwentong "Nang Minsang Naligaw Si Adrian"?
    Nagkamali si Adrian sa kanyang pagpapasiya kaugnay sa kanyang ama
  • Bakit ninais ni Adrian na iligaw sa gubat ang kanyang ama?
    Nais na niyang magkaroon ng sariling buhay
  • Napansin ni Adrian na ipinuputol ng kanyang ama ang mga sanga ng punong kanilang dinaraanan. Ano ang ibig sabihin nito?
    Nais ng amang makabalik si Adrian sa kanyang pinanggalingan
  • Ano ang nangingibabaw na katangian ng ama ni Adrian?
    Maunawain
  • Ano ang pinakamabuting maipapayo mo kay Adrian kung ikaw ay nasa kanyang katayuan?
    Bubuo ng sariling pamilya habang kasama pa rin ang kanyang ama.
  • Ano ang mensaheng hatid ng maikling kuwentong "Nang Minsang Naligaw Si Adrian"?
    Mahalin natin ang ating magulang hanggang sa huli nilang hininga
  • Bunsong anak si Adrian sa tatlong makakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa na rin nang makapagtapos sa abogasya.
    simula
  • Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabahao sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang nang siyang ganap na doktor, pumanaw ang kanyang pinakamahal na ina.Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may akit na ring iniinda.
    saglit na kasiglahan
  • Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nagbibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwan ang ama. Naisin man yang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kanyang mga kapatid, pero merong nakaatang responsibilidad na alagaan ang kanyang ama sa hanggang sa kahuli-huling yugto ng kanyang buhay.
    suliranin
  • Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makkasama sa habambuhay.Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-paulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang ama.Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama.
    tunggalian
  • Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon sa sarili.
    tunggalian
  • Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumitigil upang magpahinga at paulit-ulit din pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. " Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo hindi ka maliligaw.Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata.
    kasukdulan
  • Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
    katapusan
  • Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
    kakalasan