FIL: TEORYANG PAMPANITIKAN

Cards (19)

  • PANITIKAN
    • "literature"
    • isang anyo ng pagpapahayag ng tao
    • hindi lahat ng ipinahahayag sa salita
  • TEORYANG PAMPANITIKAN
    • sistema ng pag-iisip at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa papel ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na binabasa
  • HUMANISMO
    • ipakita ang tao ay ang sentro ng mundo; binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian gaya ng talino, talento, at iba pa.
  • FEMINISMO
    • mapakilala ang kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga babae
    • Ang kwento ni mabuti
  • KLASISMO
    • maglahad ng mga pangyayaring PAYAK, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamiy ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
    • may HAPPY ENDING kahit maraming pagsubok yung nararanasan sa story
    • FLORANTE AT LAURA
  • IMAHISMO
    • gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais ibahagi ng may-akda na higit MADALING MAUNAWAAN kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita
    • PANAMBITAN ni Myrna Prad
  • ARKITAYPAL
    • ipakita ang mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng SIMBOLO
    • Ang Guryon
  • REALISMO
    • ipakita na may karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan
    • Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
  • PORMALISTIKO
    • kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ito ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa - walang labis at walang kulang
    • walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't pang-unawa
    • tumutukoy sa esktrukstura at pagkakabuo ng kwento
  • ROMANTISIMO
    • ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang PAG-IBIG sa kapwa, bansa, at mundong kinalakihan
    • PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
  • EKSISTENSYALISMO
    • ipakita na may kalayaan ang mga tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo
  • SIKOLOHIKAL
    • ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag-uugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
    • SANDAANG DAMIT ni FANNY GARCIA
  • MARKISMO
    • ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhay sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapab at suliraning panlipunan at pampulitika
    • WALANG PANGINOON ni Deogracias Rosario
  • SOSYOLOHIKAL
    • ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda
  • MORALISTIKO
    • ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad g isang tao
  • BAYOGRAPIKAL
    • ipamalas ang karanasan o kasaganahan sa buhay ng may akda
    • RESETA AT LETRA
  • QUEER
    • iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga HOMOSEXUAL
    • Ang Reyna ng Espada at mga Pusa
  • KULTURAL
    • kaugalian, paniniwala, at tradisyon na minana at ipasa sa mga susunod na salinlahi.
  • DEKONSTRUKSIYON
    • ang karaniwang istruktura ng kwento ay hindi sinusunod